Balita

Chinese huli sa paglustay ng pera ng tropa

- Bella Gamotea

Arestado ang isang Chinese makaraang ipahuli ng kababayan nito dahil sa umano’y pagnanakaw ng P700,000 cash at ipatalo sa casino sa Parañaque City, iniulat kahapon ng Southern Police District (SPD).

Nasa kustodiya ng Parañaque City Police at nahaharap sa kasong theft si Goumin Li, nasa hustong gulang, tumutuloy sa isang condominiu­m unit sa Barangay Baclaran sa nasabing lungsod.

Inireklamo siya ni Tianlal Hong, nasa hustong gulang, nanunuluya­n din sa nasabing lugar.

Sa ulat ng SPD, naganap ang insidente sa loob ng tinutuluya­ng unit ng biktima at suspek, kamakalawa ng umaga.

Magkasama sina Hong at Li nang ipahawak ng una ang kanyang pouch bag, na naglalaman ng P700,000 cash, sa huli.

Bigla umanong umalis ang suspek bitbit ang nasabing pera, at nagtungo sa isang casino saka nagsugal.

Hinanap ng biktima ang suspek subalit nabigo ito hanggang sa bumalik sa unit si Li at inaming nalustay nito ang pera ng biktima, bandang 4:00 ng hapon.

Dahil dito, humingi ng tulong si Hong sa Police Community Precinct 2 at ipinaarest­o ang kanyang kaibigan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines