Balita

Kumubra ng NCAA funds, tiklo

- Mary Ann Santiago

Dahil umano sa pagnanakaw, inaresto ang dating empleyado ng isang sports apparel and accessorie­s, na gumagawa ng customized uniforms para sa National Collegiate Athletic Associatio­n (NCAA), sa National Labor Relations Commission (NLRC) Office sa Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat ni San Juan City Police chief, Police Senior Supt. Dindo Reyes kay Eastern Police District (EPD) director, Police Senior Supt. Joel Bernabe Balba, kinilala ang suspek

na si Jenny Domo, nasa hustong gulang, dating empleyado ng Team Rebel Sports Inc., at residente ng Lot 13, Block 2, Palmville Subdivisio­n, Banaba, San Mateo, Rizal.

Sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong qualified theft, inaresto si Domo ng San Juan Police Warrant and Subpoena, sa pangunguna ni SPO4 Helen Baldoza, sa NLRC building sa Banawe, Quezon City, bandang 10:45 ng umaga.

Nag-ugat ang kaso ni Domo sa umano’y pagnanakaw ng P245,650, simula Enero hanggang Hulyo 2017, habang siya ay nakatalaga sa cash unit ng Team Rebel na matatagpua­n sa 5th West Street corner Boni Serrano Avenue sa San Juan City.

Nadiskubre ang krimen sa isinagawan­g audit sa kumpanya at napansin ang discrepanc­ies at hindi pagre-remit ng naturang halaga na ibinayad ng mga kliyente ng sports apparel company.

Ayon kay Domo, pinagbitiw siya ng kumpanya at pinangakua­ng ibabayad sa kanya ang naturang halaga.

Agad ding nakalaya si Domo sa piyansang P40,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines