Balita

Drug surrendere­r nirapido

- Orly L. Barcala

Patay ang isang helper nang pagbabaril­in ng hindi pa nakikilala­ng suspek sa loob ng isang computer shop sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Paul Juan Ang, 37, ng No. 219 Hernandez Street, Barangay Catmon ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala ng cal. 45 sa katawan.

Base sa ulat, abala sa paglalaro ng computer ang biktima sa loob ng isang computer shop na matatagpua­n sa Block 29, Lot 13, Peoples Coalition for Housing sa Hernandez St., dakong 8:00 ng gabi.

Pumasok sa loob ng shop ang dalawang lalaki at isa sa mga ito ang tumayo sa pintuan habang ang isa ay lumapit kay Ang saka pinagbabar­il.

Kumaripas ang mga suspek matapos bumulagta ang biktima.

Narekober sa pinagyarih­an ang limang basyo ng cal 45.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, tumigil na si Ang sa pagtutulak ng ilegal na droga at sumuko na sa “Oplan Tokhang”.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines