Balita

‘Tulak’ dedo sa transaksiy­on

- Orly L. Barcala

Timbuwang ang umano’y drug pusher matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center si Joselito Toquero, alyas Butchoy, nasa hustong gulang, nakatira sa Dulong Tangke, Barangay Malinta ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Police Chief Insp. Jowielouie B. Bilaro, head ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU), ikinasa ang buy-bust operation sa bakanteng lote sa Mac Arthur Highway, Bgy. Malinta , dakong 9:00 ng gabi.

Isang pulis, si PO1 Juluis Bernardo, ang nagsilbing poseur buyer ng P500 shabu.

Nang iabot ng suspek sa parak ang droga, tumalikod na ang una at tinutukan ng baril nina SPO2 Roberto Santillan at Bilaro para pasukuin.

Gayunman, bumunot umano ng baril si Toquero saka pinaputuka­n ang mga pulis, ngunit walang tinamaan.

Gumanti ang awtoridad at duguang humandusay ang suspek.

Narekober sa pinangyari­han ang anim na basyo ng cal. 45, walong pakete ng umano’y shabu at isang cal. 45.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines