Balita

2 todas sa buy bust

- Fer Taboy

Napatay ng awtoridad ang dalawa umanong tulak ng ipinagbaba­wal na gamot matapos umanong manlaban sa buybust operation sa Malolos City, Bulacan, kahapon.

Sa ulat sa Bulacan Provincial Police Office (BPPO), dead on the spot sina alyas Abno at Reiner.

Ayon sa BPPO, naganap ang insidente sa Sitio Bacood, Barangay Matimbo kung saan nakabili ang poseur buyer ng P300 halaga ng umano’y shabu.

Aarestuhin na sana ang dalawa nang barilin umano ng mga ito ang mga pulis at nagpalitan ng bala hanggang sa bumulagta ang dalawa.

Narekober sa operasyon ang dalawang caliber .38 revolver at P200 na halaga ng umano’y shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines