Balita

200 kilong isdang may formalin, nasabat

-

Aabot sa 200 kilo ng imported frozen fish na umano’y may formalin ang nasabat ng mga tauhan ng Office of the City Agricultur­ist (OCA) ng San Fernando City sa La Union, nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Florycel Obeña, ng OCA, nasamsam ang naturang frozen fish products sa Wet Market Auxiliary ng lungsod, alinsunod na rin sa kautusan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Regional Office 1.

Dahil dito, ipinagbaba­wal na muna ng pamahalaan­g lungsod ang pagpasok ng mga imported na isda na kinabibila­ngan ng galunggong, hipon, pusit, alimasag at iba pang lamangdaga­t na nagmumula sa Urdaneta, Dagupan, at Bonuan sa Pangasinan.

Kaugnay nito, lalo pang pinaigting ng BFAR ang kanilang kampanya laban sa illegal fishing upang hindi na dumagsa ang mga frozen na isda sa merkado.

Sa isang panayam, sinabi ng isang fish vendor na ilang dekada na silang nagtitinda ng iba’t ibang uri ng frozen na isda ngunit hindi sila pinagbabaw­alan at wala ring kahit isang mamimili na nagrerekla­mo.

 ?? ERWIN BELEO ?? BANNED-Ipinakikit­a ni Fisheries Inspector Joseph Hufana ang bahagi ng nasamsam na frozen na isda na umano’y nagtatagla­y ng formalin, sa wet market ng San Fernando City, La Union, nitong Biyernes.
ERWIN BELEO BANNED-Ipinakikit­a ni Fisheries Inspector Joseph Hufana ang bahagi ng nasamsam na frozen na isda na umano’y nagtatagla­y ng formalin, sa wet market ng San Fernando City, La Union, nitong Biyernes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines