Balita

‘Tulak’ dinakma

- Leandro Alborote

TARLAC CITY - Diretso sa selda ang umano’y big-time pusher nang masamsaman ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Zone 5, Barangay San Isidro, Tarlac City, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Supt. Joel Mendoza, hepe ng Tarlac City Police, ang suspek na si Adonis Taan, 45, ng nasabing barangay.

Nakuha kay Taan ang walong pakete ng umano’y shabu; dalawang digital weighing scale; at drug parapherna­lia.

Ayon sa awtoridad, posibleng may koneksiyon si Taan sa malalaking drug syndicate

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines