Balita

Suspension order vs Bulacan mayor

- Freddie C. Velez

SAN ILDEFONSO, Bulacan - Hiniling na sa Office of the Ombudsman na atasan nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang 9-month suspension order laban kay San Ildefonso, Bulacan Mayor Paula Carla GalvezTan.

Ito ay dahil sa pagtanggi ni Bulacan DILG provincial office Darwin David na i-serve ang suspensiyo­n ni Galvez-Tan na inilabas ng Ombudsman nitong nakaraang Abril 19.

Sa isang mosyong iniharap ni San Ildefonso vice mayor Luis Sarrondo sa Ombudsman, binanggit nito na nitong nakaraang Agosto 16 ay inabisuhan siya ng DILG Region 3 na natanggap na nila ang kopya ng suspension order mula sa DILG Central Office.

Ipinaalam na rin nila ipinadala na rin ng DILG Region 3 ang kautusan kay David para sa implementa­syon ng suspensiyo­n.

Gayunman, sinabi ni Sarrondo na ipinaalam sa kanya ni David na hindi na nito ipinatupad ang kautusan dahil naglabas umano ng liham ang DILG na “huwag nang ipatupad ang suspensiyo­n” sa hindi mabatid na dahilan.

Panawagan pa nito sa anti-graft agency, maglabas na ito ng kautusan sa DILG para sa implementa­syon ng suspension order laban sa alkalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines