Balita

Illegal logs, nabisto

- Light A. Nolasco

BALER, Aurora - Kinumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Municipal Environmen­t & Natural Resources (MENRO) at DENRBaler ang mahigit 200 board feet ng tabla sa Sityo Ilaga, Bgy. Zabali, Baler, Aurora, kamakailan.

Isinagawa ang operasyon sa tulong na rin ng isang concerned citizen na nakabisto sa natambak na ilegal na kahoy sa naturang lugar.

Hiling naman ng MENRO-Baler sa mga opisyal ng barangay na kailangan ding aksiyunan ng mga ito ag ilegal na pamumutol ng punongkaho­y, upang mahuli ang mga nasa likod ng sindikato.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines