Balita

Tatlo dinakma sa pagsusugal

- Leandro Alborote

SANTA IGNACIA, Tarlac - Pinosasan ang tatlong katao nang maaktuhan silang nagsusugal sa Barangay Nambalan, Santa Ignacia, Tarlac, kamakailan.

Kinilala ni investigat­or-on-case SPO1 Ronald Salcedo ang mga hinuli na sina Silvestre Bautista, 78, ng Bgy. Poblacion West; Rizalino Gulloy, 48; at Randy Candelario, 43, ng Bgy. Nambalan, Santa Ignacia, Tarlac.

Sa naturang pagsalakay, nakatakas ang apat na iba pa nang matunugan nila ang pagdating ng raiding team.

Ito ay sina Erwin Tabago, John Keino Agano, Artani Gragasin, at Rick Bareng, pawang ng Nambalan, Sta. Ignacia, Tarlac.

Nasamsam sa operasyon ang baraha at pusta..

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines