Balita

Nagtangkan­g pumatay sa kapitan, tiklo

- Liezle Basa Iñigo

Nasa kustodiya na ng Police Regional Office 2 (PRO 2) ang umano’y suspek sa tangkang pagpatay sa isang barangay chairman ng Enrile, Cagayan, matapos itong maaresto nitong Biyernes.

Nahaharap sa kasong frustrated murder si Nomeric Arce, 27, ng Barangay Ballayango­n, Pinukpuk, Kalinga, dahil sa umano’y pananamban­g kay Barangay Liwan Norte chairman Rodrigo Magbitang, kamakaikan.

Sa pagsisiyas­at ng Enrile Police Station, sakay sa kanikanila­ng motorsiklo, pauwi na ang biktima, kasama ang kanyang mga tanod, mula sa Sitio Birung nang pagbabaril­in ng suspek, nitong Huwebes ng umaga.

Isinugod sa ospital ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Nakumpiska sa suspek ang isang calibre .45 pistol at mga bala nito at hindi pa madetermin­ang halaga ng umano’y shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines