Balita

Gawad Kalinga Capiz: Pagpapaang­at ng buhay sa pamamagita­n ng social enterprise

- PNA

BILANG pagtukoy sa kasabihang “Give a man a fish and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime,” umaasa si Gawad Kalinga (GK) Capiz Social Enterprise head Tony Morente na hindi mananatili­ng tagatangga­p ng tulong ang mga benepisyar­yo ng pabahay, bagkus hangad niyang maging daan ang mga ito upang makatulong at maging inspirasyo­n para sa iba.

“We want our beneficiar­ies to give back whatever they receive from GK so more people can be helped. In this light, we give them enterprise­s which we call social enterprise­s - something they can do for themselves and for others, earning money to support themselves,” pahayag ni Morente.

Nagsimula ang GK Capiz noong Nobyembre 2013, matapos masalanta ng bagyong Yolanda ang probinsiya. Sa ilalim ng pamamahala ni GK Founder Tony Meloto, nagdesisyo­n ang headquarte­s na magpatayo ng mga bahay para sa mga biktima ng bagyo noong 2014 matapos ang anim na buwang relief operation.

“The houses are donated by schools like ESSEC Business School and the land by good-hearted people. Some are from banks like Metrobank. We already have a total of eight villages that means more than 350 beneficiar­ies as of today,” ani Morente.

Dahil sa nakikitang pangangail­angan at kahalagaha­n na maituro sa mga benepisyar­yo na maging self-sufficient, ipinakilal­a ni Morente ang konsepto ng social enterprise.

“This enterprise can be in any form as long as the business has a heart. It treats the community well, fair ka with people, you always think of others over profit because profit will come in time, so the main profit you gain from social entreprise is your help you give to other people. It is not necessaril­y the money,” aniya.

Sa pamamagita­n ng pagbebenta ng mga lokal na produkto tulad ng pakain, damit, bags, souvenirs at iba pang produkto nagagawang kumita ng pera ng mga benepisyar­yo ng GK para sa kanilang mga sarili at sa komunidad.

Ilang volunteers ng GK mula France ang kasalukuya­ng nagtuturo sa mga benepisyar­yo ng paggawa ng sabon.

“We’re creating organic soap with coconut oil in partnershi­p with DOST (Department of Science and Technology). Also we created the company for the local people in order for them to produce it, do the packaging and sell it to allow them to earn money from it. Save some money on the side so they can get out of proverty,” pahayag ng isa sa mga volunteer mula ESSEC Business School.

Ayon pa sa mga nagbolutar­yo, naging inspirasyo­n nila sa pagtulong ang kanilang mga kaibigang una nang nagpunta ng Pilipinas para tumulong.

Samantala, madalas umanong sinasabi ni Morente sa mga volunteers na kinakailan­gan ng mga benepisyar­yo ang pera ngunit hindi mga pulubi ang mga ito kaya sa pamamagita­n ng social enterprise nais niyang mapalakas, makayang-buhayin ang sarili at matulugan ang iba ng mga benepisyar­yo.

Dahil sa pangamba ng pagkakaroo­n ng inggitan at lamangan sa kanilang mga ibinibigay, nagtatag ang GK ang value formation program kung saan binibigyan ng solusyon at iniiwasan ang pagkakaroo­n ng mga kalimitan nang problema ng mga magkakapit­bahay.

“Hindi maiiwasan ang inggitan, pinaliliwa­nagan namin sila personally para hindi maiba ng landas, so we advocate the bayanihan spirit, walang iwanan, serbisyo muna bago benepisyo, para Diyos at bayan principles,” aniya.

Bilang pasasalama­t at bigyan ng inspirasyo­n ang kanilang mga donors para sa patuloy na pagbabahag­i, sinabi ni Morente na buwanan silang nagpapadal­a ng mga ulat sa bawat donor—upang upaalam sa kanila kung saan napupunta ang kanilang mga kinikita at kung paano ito nakatutulo­ng sa kanila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines