Balita

Singlakas ng kabayo

- Bert de Guzman

TUMPAK si Presidenti­al Spokesman Harry Roque. Singlakas ng kabayo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Dumalo ang ating Pangulo sa pulong ng aabot sa 200 alkalde sa Visayas na ginanap sa Cebu City. Korek din si Christophe­r Lawrence Go, aka Bong Go, na si Mano Digong ay naka-KAMA lang at hindi comatose, tulad ng pahayag ni Jose Ma. Sison, founder ng Communist Party of the Philippine­s (CPP), sa kanyang Facebook.

Sa FB ni Joma, sinulat niya na si PRRD ay naka-COMA matapos dumalo sa pagtitipon ng kanyang fraternity, ang Lex Taliones. Sabi ni Bong Go, mali raw ang spelling ni Sison dahil ginawa niyang C ang K na dapat ay KAMA at hindi COMA.

Nawala ang ating Presidente ng limang araw kaya kumalat ang hakahaka na siya ay may seryosong sakit. Inakala ni Joma na siya ay comatose. May DPA si Joma sa kampo ni PDu30? Binira ni Mano Digong ang kanyang ex-professor sa harap ng mga mayor: “Let’s me just disabuse the mind of Sison. His mind is so abused.”

Para kay Pres. Rody, sakaling siya ay mamatay (hindi masawi), ito’y kagagawan ng US Central Intelligen­ce Agency (CIA) dahil ang kanyang cell phone ay naka-tap at nakikinig sa kanyang mga galaw at aktibidad ang CIA. “Alam ko na ang US ay nakikinig. Sila ang papatay sa akin.”

Sa puntong ito, hindi nakatiis ang kaibigan kong palabiro pero sarkastiko at pilosopo: “Akala ko ba kaibigan niya si Donald Trump. Bakit hindi niya ipaalam ito para bawalan ang CIA sa umano’y planong pagpatay sa kanya? O kaya naman ay ipaalam ito kina Russian Pres. Vladimir Putin at Chinese Pres. Xi Jinping.” Lumagok ng mainit na kape si kaibigan, kinindatan ako at si senior-jogger.

May kasabihang bawal ang mamangka sa dalawang ilog. Bilib ako kay PRRD sa larangan ng pulitika. Bagamat idolo niya si ex-Pres. Marcos, mortal na kalaban ni ex-Sen. Ninoy Aquino, hinimok niya ang mga Pilipino na tularan ang tapang, patriotism at selfsacrif­ice ng dating senador nang gunitain ang ika-35 taong kamatayan ni Aquino noong Agosto 21. Ito ay pamamangka sa dalawang ilog ng pulitika—ilog ni Marcos at ilog ni Ninoy.

Pinatay si Ninoy nang siya’y lumapag sa Manila Internatio­nal Airport (MIA) noong Agosto 21, 1983 mula sa tatlong taong self-exile sa US para pangunahan ang oposisyon laban sa diktador na si Marcos. Hanggang ngayon ay hindi matukoy kung sino ang utak sa assassinat­ion. Gayunman, naniniwala ang Aquino family na si Macoy ang nasa likod nito. Itinanggi ito ng Marcos family.

Samakatawi­d, idolo niya si Marcos na pinayagan niyang maihimlay sa Libingan Ng Mga Bayani, pero tagahanga rin siya ni Ninoy. Samakatuwi­d, dinadakila niya ang ginoo ni ex-Pres. Cory Aquino samantalan­g sa kanyang puso ay nakakintal naman si FM. Sinabi niyang sakaling siya’y bababa sa puwesto, nais niyang ang katulad ni Bongbong Marcos ang pumalit sa kanya at hindi ang “incompeten­t” na si VP Leni Robredo.

Well, well, matapos ihayag ni PRRD ang frustratio­n at pagkadisma­ya sa umiiral na kurapsiyon at illegal drugs sa bansa, sinabi niyang gusto na niyang magbitiw sa puwesto. Ngayon, sinabi niyang mananatili siyang Pangulo hanggang sa 2022.

Parang weather, pabagu-bago!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines