Balita

Handogpasa­salamat ni ex-Rizal Gov. Ito Ynares Jr.

- Clemen Bautista

ISA sa mahalagang bahagi ng buhay nating mga Pilipino, matapos tayong isilang ay ang pagdiriwan­g ng ating kaarawan. May iba’t ibang paraan upang ito’y ipagdiwang. Nagsisimba at nagpapasal­amat sa Poong Maykapal at naghahanda ng pagkain para sa pamilya at

mga kaibigan. May nagpupunta naman sa mga bahay-ampunan at nagdadala ng tulong.

Sa mga nasa larangan naman ng showbiz, may ilang artista sa pelikula at telebisyon ang ginagawa ang pagdiriwan­g ng kaarawan sa mga ospital ng mga batang may kapansanan. Nagdadala ng pagkain at nagbibigay ng regalo. Ang iba naman ay nagsasagaw­a ng operasyon sa mga may problema sa pagsasalit­a, tulad ng biyak ang mga nguso at sa ngala-ngala.

Sa lalawigan ng Rizal, muling nakinabang ang mga taga-Binangonan sa ginawang medical-dental mission o libreng gamutan at blood letting activity, sa Ynares Plaza nitong Biyernes.

Ang libreng gamutan at blood letting ang handog-pasasalama­t ni dating Rizal Governor Ito Ynares, Jr. sa kanyang mga kababayang taga-

Binangonan sa pagdiriwan­g ng kanyang kaarawan. Ngayong araw ang kaarawan ni dating Gob. Ito, ngunit bago sumapit ang nasabing petsa, inilusad na niya ang libreng gamutan at blood letting.

Ang nasabing mga programa ay sinimulan ni ex-Rizal Gov. Ito noong mayor pa siya ng Binangonan, noong 1988. Ipinagpatu­loy niya nang maging gobernador ng Rizal, at kahit wala na siya sa pamahalaan ay ipinagpatu­loy pa rin niya ito bilang tulong at pasasalama­t sa kanyang mga kababayang tagaBinang­onan.

Ayon kay Dr. Iluminado Victoria, provincial health officer ng Rizal, sa libreng gamutan ay may 2,000 bata at matandang babae at lalaki ang nabigyan ng medical treatment at mga gamot. Ang mga nagamot ay mula sa mga barangay sa mainland ng Binangonan at sa Talim Island. May 400 katao naman

ang nakinabang sa dental treatment at may 325 ang nabigyan ng libreng eyeglasses.

Sa blood letting, 1,500 ang nagdonate ng dugo. Ang mga blood donor ay nagmula sa iba’t ibang barangay ng Binangonan. Ang blood letting activity ay pinamahala­an ng mga doktor at nurse sa Rizal Provincial Hospital System. Ang blood donation ng mga taga-Binangonan ay dadalhin sa blood bank ng Rizal na nasa Margarito Duavit Hospital sa Barangay Darangan.

Naging mga panauhin sa medicalden­tal mission at blood letting sina Rizal Governor Nini Ynares, Binangonan Mayor Engr. Cesar Ynares, Vice Mayor Boyet Ynares, mga miyembro ng Sanggunian­g Bayan, mga opisyal ng mga barangay sa Binangonan, at iba pang panauhin at kaibigan ng dating gobernador.

Sa bahagi ng mensahe ni Rizal Gov. Nini Ynares, matapat niyang pinasalama­tan ang mga blood donor at ang lahat ng nakiisa at tumulong sa libreng gamutan at blood letting.

Ang mga doktor na nakiisa at tumulong sa libreng gamutan at blood letting ay ang medical team ng Rizal Provincial Hospital System, Rizal Provincial Health Office, Binangonan Municipal Health Center, at iba pang volunteer doctor sa Binangonan at ibang bayan sa Rizal.

Pinasalama­tan naman ng mga taga-Binangonan ang dating gobernador. Dalangin nila ang patuloy na patnubay at pagpapala ng Poong Maykapal sa dating mayor ng Binangonan at ama ng lalawigan ng Rizal. Mula naman sa inyong lingkod: Happy Birthday, Gov. Ito Ynares Jr.!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines