Balita

Direk Cathy, bucket list director ni Ria

- Reggee Bonoan

KITANG-KITA ang excitement ni Ria Atayde sa media day ng pelikulang The Hows of Us dahil isa sa nasa bucket list niya ay ang makatrabah­o si Direk Cathy Garcia-Molina, ang isa sa box office director ng Star Cinema, bukod pa sa rater din ang mga programa ng huli sa ABS-CBN.

“First time with Direk Cathy, I told her naman na she’s one of my bucket list directors going into showbiz. Ang maganda ro’n naunahan ko si Mommy (Sylvia Sanchez) and si Arjo (Atayde)

na makatrabah­o siya. O ‘di ba, for once nauna ako?

“It’s an honor and ang dami kong natutunan. Profession­al student po kasi ako and si Direk is very precise with what she wants. So maganda ‘yung you worked together to get that perfect vision. Yes, I’m happy, very, very

happy.”

Nakatikim na ba siya ng sigaw mula kay Direk Cathy, na kadalasang kuwento ng mga nakatrabah­o nito? “Nope, ha, ha, ha,” tumawang sagot sa amin ni Ria.

“Truth be told, medyo nahirapan po sila (staff) sa schedule ko, pero nagawan ng paraan kasi nga gusto ko talaga ‘yung project at siyempre makatrabah­o si Direk Cathy.”

Walang love interest si Ria sa The Hows of Us, at gagampanan niya ang papel na kunsintido­rang best friend ni Kathryn Bernardo sa present time, bukod pa sa magkasama sila sa trabaho.

“KathNiel is fun to work with. They’re cute and nakakakili­g,” sabi ni Ria, tinukoy sina Kathryn at Daniel Padilla.

Mas matanda nang kaunti si Ria kina Daniel at Kathryn, bukod pa sa loveless ngayon ang dalaga, kaya siguro kinikilig kapag nakikita niyang naglalambi­ngan ang dalawa. Pero hindi naman siya naiinggit dahil showbiz career ang prayoridad niya.

Oo nga, bukod kasi sa The Hows of Us ay abala rin si Ria sa tapings ng teleseryen­g Halik mula sa RSB unit, at gagampanan niya ang papel ng isang engineer kaya parati siyang naka-denims na inakala ay one of the boys siya.

“Ay hindi po, sina Jericho (Rosales) po kasi lagi ang kasama ko kasi I work sa company niya,” sabi ni Ria.

 ??  ?? Ria
Ria

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines