Balita

Sugatan sa optical illusion

-

Sugatan ang isang lalaki matapos itong mahulog sa walong talampakan ang lalim na art installati­on sa Serralves Foundation Museum sa Porto, Portugal.

Inakala ng Italyanong turista na peke ang balon sa kabila ng mga babala ng mga nagbabanta­y doon, kaya nagdesisyo­n siyang tapakan ang obra upang masigurado, at nahulog siya.

Ang sining ay obra ng British na si Anish Kapoor noong 1992, na “Descent Into Limbo” isang optical illusion na ‘tila isang itim na bilog na pintura lamang sa sahig. Nakadiseny­ong ‘tila isang “bottomless pit” ang obra at nakahihilo tingnan.

Dahil sa nangyari, pansamanta­lang isinara sa publiko ang obra.

“What can I say? It is a shame,” pahayag ni Kappor matapos malaman ang insidente. OD

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines