Balita

Lugar papangalan­ang ‘Syria’ para ayudahan ng Russia

-

Upang makuha ang atensiyon ng pamahalaan sa Moscow, naglunsad ang mga residente ng isang Russian village ng inisyatibo para palitan ang pangalan ng kanilang lugar na Bungur sa “Syria.”

Dahil umano ito sa daang milyong dollar na inilabas ng Russia para sa nasabing bansa sa Gitnang Silangan, kaya naman umaasa sila na matutulung­an din ng Russia kung magiging ‘Syria’ ang pangalan ng kanilang lugar na higit namang malapit sa kanila.

Matagal na umanong napabayaan ang lugar at lalo pang lumalala. Sira umano ang kanilang mga kalsada, walang kuryente at tubig. Wala rin umanong healthcare services sa lugar.

“We don’t have any expectatio­ns,” pahayag ng isang residente sa lugar na namuno ng kampanya. “The only thing we want is to rename Bungur as Syria. Then we will apply to the Russian Federation for humanitari­an aid.”

“I’m not joking, I’m completely serious. We hope that instead of Bungur there will be the Syrian Arabian Republic. We’ll invite some Arabs. The government is helping Syria and the destructio­n here is just as bad as it is there. But we aren’t getting any attention.”

OD

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines