Balita

Walang bola, Bolick ang bida!

-

SHATAW ang San Beda, sa pangunguna ni Robert Bolick na kumana ng 50 puntos, para gapiin ang Arellano University, 98-79, nitong Biyernes sa 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Mula sa dikit na laban sa first half, ratsada si Bolick sa Chiefs na umiskor ng 37 puntos sa second half tungo sa ikapitong panalo at makabawi sa tanging kabiguan na nakamit sa kamay ng Lyceum of the Philippine­s.

Impresibo ang scoring output ni Bolick na bumura sa marka ni Nigerian Bright Akhuetie na umiskor ng 44 puntos para sa Perpetual Help Altas may tatlong taon na ang nakalilipa­s.

Laglag ang Chiefs sa 3-5.

Iskor:

SAN BEDA 98 -- Bolick 50, Mocon 15, Tankoua 13, Canlas 6, Eugene 6, Oftana 4, Abuda 2, Nelle 2, Cabanag 0, Carino 0, Cuntapay 0, Doliguez 0, Soberano 0, Tongco 0.

ARELLANO 79 -- Canete 24, Dela Cruz 16, Dela Torre 9, Alcoriza 8, Concepcion 7, Sera Josef 6, Villoria 6, Alban 2, Segura 1, Bayla 0, Codinera 0, Ongolo Ongolo 0, Sacramento 0, Santos 0.

Quarters: 23-20, 42-40, 6957, 98-79

 ??  ?? AKO SI MALAKAS! Nakamuwest­ra na tila isang wrestler si Robert Bolick matapos makumpleto ang three-point play sa isang tagpo ng laro ng San Beda laban sa Arellano sa NCAA men’s basketball sa FilOil Center sa San Juan. RIO DELUVIO
AKO SI MALAKAS! Nakamuwest­ra na tila isang wrestler si Robert Bolick matapos makumpleto ang three-point play sa isang tagpo ng laro ng San Beda laban sa Arellano sa NCAA men’s basketball sa FilOil Center sa San Juan. RIO DELUVIO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines