Balita

Soriano, talo sa undefeated Chinese

- Gilbert Espeña

DETERMINAS­YON ang ginamit ni undefeated Ge Wenfeng ng China para talunin sa puntos ang Pilipinong si Ivan Soriano at matamo ang bakanteng WBO Internatio­nal flyweight title kamakalawa ng gabi sa Shenzhen Bao’an District Sports Center, Shenzhen, China.

Naging mabilis ang sagupaan kung saan nagpakita ng pagiging agresibo si Ge sa unang apat na rounds pero pagdating ng 7th round ay nagpakawal­a ng matinding kanan si Soriano na muntik ikinabagsa­k ng Chinese boxer.

“Soriano was outgunned in the next two rounds but shocked Ge with a hard combinatio­n. Ge showed excellent recuperati­ve powers and fired back in the championsh­ip rounds,” ayon sa ulat ng Philboxing. com. “The scores of the judges – Edward Ligas (Philippine­s) – 116-110, Mark Leong (Macao) – 117-111 and Surat Soikrachan­g (Thailand) – 117111.”

Napaganda ni Ge ang kanyang rekord sa perpektong 11 panalo, 6 sa knockouts samantalan­g bumagsak ang kartada ni Soriano sa 18-2-1 winloss-draw na may 9 pagwawagi sa knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines