Balita

Batang Pinoy standout, aalagaan ng PSC

- Annie Abad

HANDA ang Philippine Sports Commission (PSC) na ipagpatulo­y ang pakikipagt­ulungan sa Department of Education at mga Local Government Units (LGUs) sa patuloy na pag-unlad ng palakasan sa bansa.

Ito ang isa sa magiging hakbang ng PSC ayon kay chairman William Ramirez, upang patuloy na makadiskub­re ng talento upang hasain bilang susunod na superstar athletes gaya ni Hidilyn Diaz.

Bukod dito nais gayahin ni Ramirez ang sistema ng mga bansang Scandinavi­an, na gaya ng Latin American, Cuba, Norway, Jamaica, Sweden at Ethiopia na may mga runners na world champion.

Una umanong bubusisiin ni Ramirez ang pagkilala kung saan isport malakas ang bansa at kung anu ano ang mga isport na maraming batang atleta ang nagiging tagumpay.

"Alamin natin kung anu bang mga sports meron tayo sa Palarong Pambansa, and start identifyin­g the focus sports at that level. We can also determine these sports at the Batang Pinoy Games and at the Philippine National Games," ani Ramirez.

Kung susuriin umano, hindi makakila ang mga talento na nahubog na ng mga bansang Cuba kung saan ilala sila sa paghibog ng mga magagaling na boksingero.

“These countries start training their athletes at a very young age. By the time they reach the Olympics, these athletes are already ripe to win a medal," ani Ramirez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines