Balita

Samar councilor, utas sa ambush

- Ni MARIE TONETTE GRACE MARTICIO

Binaril ng hindi pa nakikilala­ng lalaki ang isang konsehal sa Barangay Sungan, Mercedes sa Eastern Samar, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Polymedic Hospital of Guiuan si Antonio Abris, 45, konsehal ng Guiuan sa naturang lalawigan.

Sa imbestigas­yon, dumalo ang biktima sa vesper celebratio­n ng nasabing lugar nang lapitan ng isang lalaki at pinaputuka­n sa ulo, dakong 12:40 ng madaling araw.

Pagkatapos ng krimen, tumakas ang suspek bitbit ang ginamit na baril.

Kaugnay nito, tiniyak ni Police Regional Office-Region 8 (PRO8) informatio­n officer, Supt. Bella Rentuaya na gagawin nila ang lahat upang makilala at madakip suspek sa pagpatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines