Balita

Laging pinagagali­tan, sinaksak si nanay

- Ni ALEXANDRIA SAN JUAN

Habang isinusulat ito, nasa kritikal na kondisyon ang isang 51-anyos na ina makaraang saksakin ng kanyang 19anyos na anak nang magtalo sa depektibon­g telebisyon sa Quezon City nitong linggo.

Kinilala ng Quezon City Police District-Batasan Police Station (PS-6) ang biktima na si Cornelia Borja, at kanyang anak, si Hakkinin, kapwa residente ng Barangay Bagong Silangan.

Ayon sa kakambal ng suspek, si Honey Gen, katatapos lamang nilang maghapunan sa kanilang tahanan sa Road 9, Bonifacio Extension, at nakatakdan­g manood ng telebisyon dakong 7:00 ng gabi.

Gayunman, nagalit si Cornelia dahil walang sounds ang kanilang telebisyon at sinigawan si Hakkinin na ayusin.

Habang sinisigawa­n ni Cornelia ang kanyang anak, tumakbo si Hakkinin sa kanilang kusina at kumuha ng kutsilyo at dalawang beses sinaksak sa balikat ang kanilang ina.

Umalis si Hakkinin sa bahay nang makitang duguan ang kanilang ina habang nagpasaklo­lo si Honey Gen at isinugod ang biktima sa ospital kung saan ito kasalukuya­ng nakaratay.

Samantala, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng PS-6 at naaresto si Hakkinin.

Inamin nito ang krimen at sinabing palagi siyang pinagagali­tan ng kanyang ina.

Kinasuhan ang suspek ng frustrated parricide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines