Balita

200 murder suspect, arestado

-

Tinatayang nasa mahigit 200 katao ang naaresto sa kasong murder sa loob lamang ng isang araw sa Brazil, sa isang malawakang paglilinis na nakatuon sa paglaban kontra femicide.

Sa kabuuan, mahigit 1,000 katao ang nahuli sa crime crackdown na isinagawa ng 6,600 pulis sa buong bansa, base sa pinakabago­ng tala ng public security ministry.

Ang kampanya ay bahagi ng pagsisikap ng bansa na matugunan ang patuloy na tumataas na mararahas na krimen sa Brazil, kabilang ang femicide o pagpatay sa kababaihan.

Sa tala ng awtoridad, nasa 1,027 matatanda at 75 menor de edad ang ikinulong kung saan 14 ang kinasuhan ng femicide at 143 naman ang inakusan ng krimeng may kaugnayan sa Maria da Penha law o domestic violence.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines