Pagbalik ni Pompeo sa NoKor, pinigil ni Trump
WASHINGTON (Reuters) – Biglaang kinansela ni U.S. President Donald Trump nitong Biyernes ang nakatakda sanang biyahe ng top diplomat, si Mike Pompeo, papuntang North Korea, kasaba’y ng pag-amin sa unang pagkakataon na tila nawawalan ng saysay ang kanyang pagsisikap sa denuclearization ng bansa mula nang makipagpulong ito sa North Korean leader.
Isinisisi naman ni Trump sa China ang “lack of progress” ng denuclearization sa NoKor at iminungkahing hindi muna itutuloy ang pakikipagpulong sa Pyongyang hanggat hindi nareresolba ng Washington ang sigalot nito sa Beijing hinggil sa kalakalan.
Sa kabila nito, nananatiling bukas si Trump para sa posibilidad ng ikalawang summit kasama si Kim, at sinabing may “great chemistry” sila.