Balita

Barbie, nahihiya sa primetime princess tag

- Nora V. Calderon

NINE years na si Barbie Forteza sa showbiz and nag-21 na siya last July 31. Since nagsimula siya noong 2009, walang pumaltos na project niya, na laging top-rating. Kahit ang youth-oriented series na Tween Hearts ay tumagal ng almost two years, pero nawala na rin nang nagkaroon na sila ng kani-kanilang sariling teleserye.

Halos hindi nga nawawalan ng project si Barbie, one after the other at lagi ngang top-rating ang kanyang shows. Kaya naman tinagurian na siyang Kapuso Primetime Princess, title na nahihiya si Barbie na tanggapin.

Bukod kasi sa mga past niyang teleserye, itong Inday Will Always Love You ay ilang buwan na ring namamayagp­ag sa rating, kaya naman binigyan na ito ng season two ng GMA Network. Tampok din sa romantic-comedy series sina Ricky Davao, Gladys Reyes, Manilyn Reynes, Tina Paner, Derrick Monasterio, Juancho Trivino, Super Tekla, at Ms. Nova Villa.

“Pero kung sa palagay po ninyo ay deserving ako sa title sino po naman ako na tanggihan iyon. Marami pong salamat. Sa tagal ko na rin po sa showbiz, masaya na ako sa nangyayari sa akin sa TV, dahil si Barbie Forteza, hindi po basta isa lamang tween star, tinatawag na nila akong actress kaya po masaya ako.

“At kung may ibang deserving naman sa title na iyon, okay lamang po sa akin kung kukunin nila,” very humble na sabi pa ni Barbie.

Natanong si Barbie kung ano ang naging special gift niya sa sarili when she turned 21 last July 31. Isang brand new van daw ang binili niya, na sa laki ay puwede raw siyang mag-party sa loob. Iyon na raw ang parang bahay niya kapag may taping siya ng IWALY. Doon na rin niya ginagawa ang rehearsals niya para sa

Sunday PinaSaya kung hindi siya makakapunt­a

sa studio.

Kapag sunud-sunod ang work niya, halos hindi na nga raw siya nakakauwi sa bahay nila, lalo na kung masyadong ma-traffic. Kaya stay na lang siya sa bago niyang van. Ang Inday Will Always Love You ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng Onanay sa GMA 7.

 ??  ?? Barbie
Barbie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines