Atom, bagay na newscaster
BALIK-24 Oras si Atom Araullo nitong
Biyernes. Maraming nagulat at natuwa nang mapanood nilang muli si Atom as a newscaster sa 24 Oras last Friday, kasama sina Ivan
Mayrina at Vicky Morales. Dati nang napanood si Atom sa nasabing newscast program ng GMA 7. Mayroon siyang segment sa nasabing news program bago siya lumipat ng network, pero first time niya nitong Biyernes na sumalang as newscaster pagkatapos niyang bumalik sa Kapuso network. For the past few weeks ay iba-ibang Kapuso news personalities—tulad nina Arnold
Clavio at Ivan—ang napapanood na kasama nina Mel Tiangco at Vicky. Dahil ito sa pansamantalang pagpapahinga ni Mike Enriquez, na kasalukuyang naka-medical leave para sa nalalapit niyang operasyon.
Nakakatuwa ang comments ng mga nakapanood kay Atom. Marami ang nagsabi na na-miss daw nila ang pagbabalita ng Kapuso personality, dahil mas pinagtutuunan ni Atom ang paggawa ng documentaries, gaya ng I-Witness, at ng monthly documentary niyang The Atom Araullo
Specials—at ngayong Sunday, “Food Waste” ang tatalakayin ni Atom.
May mga nakapansin din na maganda ang rapport nina Atom, Vicky, at Ivan. May chance na kayang makitang muli si Atom as a regular news anchor?
Nag-post din ang manager ni Atom na si
Noel Ferrer (@iamnoelferrer): “Thank you GMA-7 for opening the doors. Thank you to everyone who sent messages and feedbacks! Keep ‘em coming!
“Don’t forget #TheAtomAraulloSpecials today at 4:30pm and @24Oras next week!”
Matagal na palang may offer kay Atom for a new territory for him, that of newscasting, gaya ng weekend news nang mawala si Jiggy
Manicad. Pero pinag-iisipan pa itong mabuti ni Atom, dahil priority niya talaga ang paggawa ng documentaries.
This time, pumayag si Atom na maging news anchor for one week simula sa Monday. So, abangan natin at baka magbago ang isip ni Atom, at ituloy na niya ang pagiging newscaster.