Balita

Ken, nagulat sa 500 tao sa demolition scene

- Nora V. Calderon

NAGULAT si Ken Chan nang pagdating niya sa location ng bago niyang afternoon teleserye sa GMA 7, ang My Special Tatay, ay nalula siya sa dami ng tao. Heavy drama kasi ang tema ng bagong teleserye, kaya nagtaka siya kung bakit ang daming tao.

“Iyonnapopa­laiyongbig­scene,angdemolit­ion scene na ipalalabas sa pilot week,” kuwento ni Ken. “Pero kinabahan po ako talaga nang makita ko ang daming tao. Lahat-lahat po ng artista nandito rin, all-star cast kami. Tapos ‘yung mga tao, mga nasa 500, na mapapanood sa demolition scene. Makikita mong nagpapalua­n, nagtatadya­kan,nagsuntuka­n at iba pang sakitan. Pero maayos po itong sinet-up ni Direk LA Madrilejos.”

Ginagampan­an ni Ken ang character ni Boyet, isang lalaking may intellectu­al disability na magiging ama.

“Challenge po sa akin ang bagong role ko rito, dahil bilang si Boyet, halos nauutal siya kapag nagsisimul­ang magsalita. May mga mannerism siyang gagamitin, tulad ng kamay para ipakita ang kakulangan niya sa pag-iisip.

“Kapag nakakaramd­am siya ng kaba, ng takot, at ‘pag na-in love siya, kapag excited siya, lahat dito sa kamay magma-manifest. Kasi ang isang taong may intellectu­al disability, ‘yung outlet niya, para maparamdam niya ‘yung emosyon niya, hindi niya kasi napapakita lahat. Dito sa mga kamay nila, ‘yun ang outlet nila. Siguro po, ito na ang pinakamahi­rap na role na gagampanan ko.”

Thankful si Ken sa GMA dahil binigyan siya ng mahuhusay na kasama sa series, tulad nina Candy Pangilinan, Teresa Loyzaga, Barbara Miguel, si Ms. Carmen Soriano, Bruno Gabriel, Jillian Ward, si Lilet as his mother, at ang leading

lady niyang si Arra San Agustin.

Natuwa si Ken na si Arra ang katambal niya sa serye, dahil comfortabl­e na siya sa dalaga dahil gumanap na sila bilang

mag-asawa sa The Cure.

Sa September na mapapanood

ang My Special Tatay, na papalit sa

matatapos nang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na isa ring advocasery­e ng GMA, na nasa final week na ngayon.

 ??  ?? Ken
Ken

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines