Balita

Doktor, kinasuhan ng pamilya ni Prince

-

KINASUHAN ng pamilya ng yumaong rock star na si Prince ang doktor na nagprescri­be sa singer ng pain pills, at iginiit na nabigo ang doktor na gamutin ang opiate addiction ng singer, kaya responsibi­lidad nito ang pagkamatay ni Prince, dalawang taon na ang nakaraan, inihayag ng abogado ng pamilya nitong Biyernes. Binawian ng buhay si Prince Rogers

Nelson dahil sa accidental overdose ng fentanyl noong Abril 15, 2016. Inihayag ng mga awtoridad na umamin si Dr. Michael

Schulenber­g na nag-prescribe siya ng ibang opioid, ang oxycodone, kay Prince, ilang araw bago ito bawian ng buhay, sa ilalim ng pangalan ng kanyang bodyguard para protektaha­n ang privacy ng musician.

Isinampa ang kaso sa Hennepin County District Court ngayong linggo at nakasaad dito na si Schulenber­g at iba pa “(had) an opportunit­y and duty during the weeks before Prince’s death to diagnose and treat Prince’s opioid addiction, and to prevent his death. They failed to do so.”

Ayon sa complaint, na unang iniulat ng ABC News.com, humihingi ang pamilya ni Prince ng hindi binanggit na halaga para sa pinsala, bukod sa $50,000.

Inihayag ng abogado ng anim na kapatid ni Prince nitong Biyernes na kalaunan ay mapapalita­n ng kamakailan­g kaso ang kaso na kanilang isinampa noong Abril sa Illinois, “to beat a legal deadline”.

Isang linggo bago pumanaw, nawalan ng malay si Prince, lulan ng eroplano habang papauwi sa kanyang bahay, pagkatapos ng kanyang concert sa Atlanta. Nag-emergency stop ang eroplano sa Moline, Illinois, at isinugod sa sa Trinity Medical Center, at napag-alaman na siya ay na-overdose sa opioid.

“Prince lived in Minnesota all his life and passed away here, so we always thought his family’s lawsuit belonged in Minnesota,” lahad ni attorney John Goetz sa isang pahayag. Sinabi niyang mayroon na sila ngayong sapat na legal grounds para isulong ang kaso ni Prince.

Giit naman ni abogado ni Schulenber­g, si Paul Peterson, nitong Biyernes, na naniniwala silang ang kaso “has no merit”.

“We understand this situation has been difficult on everyone close to Mr. Nelson and his fans across the globe,” aniya. “Be that as it may, Dr. Schulenber­g stands behind the care that Mr. Nelson received. We intend to defend this case.”

 ??  ?? Prince
Prince

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines