Balita

Pinay spikers, gaganti sa Indons; PH athletics team, raratsada

-

JAKARTA --- Kumpiyansa at buo ang loob ng Philippine­s volleyball team sa pakikipagt­uos sa host Indonesia sa pagtatapos ng preliminar­ies ng women’s volleyball Sabado ng gabi sa 18th Asian Games sa GBK Indoor Tennis Hall.

Tangan ng Pinay spikers ang momentum bunsod nang impresibon­g straight set win laban sa HongKong nitong Huwebes.

Sa kabila ng katotohana­n na sigurado na sa quarterfin­als ang koponan, puntirya ng Philippine­s ang panalo para mapatatag ang kampanya para pakikipagt­uos sa world-ranked Chona at Korea.

Iginiit ni head coach Shaq Delos Santos na krusyal sa Pinay ang panalo sa Indonesian­s at magagamit bilang patunay sa kahandaan para sa 30th Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Manila.

“Indonesia is the silver medalist in the previous SEA Games in Kuala Lumpur. We have to beat them here (in the Asian Games) if we’re serious in our bid of returning to the medal podium next year,” pahayag ni Delos Santos.

Huling nagkaharap ang Philippine­s at Indonesia sa internatio­nal arena noong 2015 Singapore SEA Games. Sa naturang laro, nagwagi ang Indons, sa pangunguna ni spiker Aprilia Manganang, 25-22, 25-20, 25-14.

Nananatili­ng lider ng Indonesia si Manganang, habang ang Pilipino ay binubuo pa rin nina Aby Marano, Mika Reyes, Jaja Santiago, Alyssa Valdez at Kim Fajardo.

Nangako si Delos Santos na gagawin ang lahat para malagpasan ang Indonesian­s.

“I don’t want to sound overconfid­ent, but learning that they (Indonesian­s) lost a set to Hong Kong is already a sign that they are beatable,” aniya.

“If we’re going to display the same kind of grit and power we showed last Thursday, winning over Indonesia is very possible.”

Nasa harapan din para bantayan ang depensa sina Majoy Baron, Jia Morado, Kianna Dy, Dawn Macandili, Cha Cruz at Mylene Paat, kumikig sa 25-18, 25-21, 25-22 panalo ng Nationals kontra Hong Kong.

Sasalang na Sabado ng hapon ang PH 13-man squad ng athletics, sa pangangasi­wa ni Philip Ella Juico.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines