Balita

De Castro, mas matimbang ang karanasan

- Nina GENALYN D. KABILING, HANNAH L. TORREGOZA at BETH CAMIA

Ibinasura ng Malacañang ang mga alegasyon na ang appointmen­t ni Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro ay pabuya sa pagsusupor­ta nito sa pagpapatal­sik kay Maria Lourdes Sereno mula sa Supreme Court.

Dinepensah­an ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque ang appointmen­t ni De Castro, sinabing siya ang pinaka- senior sa listahan ng mga nominadong isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC).

“Wala pong saysay ‘yan. PRRD upheld judicial profession­alism by appointing most senior of aspirants,” reaksiyon ni Roque sa mga alegasyon na political reward ang paghirang kay De Castro.

Iginiit ni Roque na si De Castro “[has] infinitely more experience” kaysa mga nakababata sa kanya.

Hinirang ni Pangulong Duterte si Associate Justice De Castro bilang bagong Chief Justice mula sa JBC shortlist. Aabutin lamang ng 41 araw ang termino dahil nakatakda na siyang magreretir­o sa Oktubre sa pagsapit niya sa mandatory retirement age na 70 taong gulang.

‘SHORTSIGHT­ED’

Sinabi ni Senator Risa Hontiveros na ang termino ni Chief Justice De Castro marahil ay maikli at mapait.

Ayon kay Hontiveros ito ay naging padalus-dalos ang si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon nitong italaga si De Castro para lamang patuloy niyang makontrol ang Supreme Court.

“President Rodrigo Duterte’s appointmen­t of the one who will become the shortest-serving Chief Justice in the country’s history is absolutely shortsight­ed,” saad sa pahayag ni Hontiveros.

Binatikos rin nina dating Solicitor General Florin Hilbay at Congressma­n Gary Alejano ang paghirang ni Duterte kay De Castro na tinawag nilang bayad-utang dahil sa pagpapatal­sik kay Sereno.

FITTING FINALE

Ngunit para sa mga nakasama ni De Castro sa hudikatura, siya ay karapat-dapat na maging CJ.

Inilarawan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na “fitting finale” ang pagtatalag­a kay De Castro. Aniya, ang appointmen­t na ito kay De Castro ay isang magandang panapos sa kanyang 45 taong paninilbih­an sa hudikatura, na nagsimula noon pang 1973.

Ikinatuwa naman ni dating Associate Justice at ngayo’y Ombudsman Samuel Martires ang appointmen­t ni De Castro na dati niyang Presiding Judge sa Sandiganba­yan.

Inilarawan niya ito na mabait na kaibigan, may takot sa Diyos, masipag, istrikto, at nakapanig sa katotohana­n.

Sinabi ni Sandiganba­yan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, nakaka-proud lalo at sa kanilang Korte nanggaling si De Castro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines