Balita

Duterte sa mga sundalo: ‘Wag magpahuli nang buhay

- Hannah L. Torregoza, Genalyn D. Kabiling at Argyll Cyrus B. Geducos

Hindi pahuhuli nang buhay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga teroristan­g kaalyado ng Islamic State.

Tulad ng kanyang utos sa mga sundalo, nagdeklara ang Pangulo na handa siyang barilin ang sarili sakaling malagay siya ng alangin na mabibihag ng mga kalaban ng estado.

“Kung ako, for one reason or another, mag-aberya ‘yung eroplano mag-landing ako, hindi nila ako mahuling buhay. Pasabugin ko itong mukha ko sa harap nila. Ito, ah. T*** i** mo. Totoo,” sinabi ni Duterte sa pagbisita niya sa Camp Teodulfo Bautista Headquarte­rs, Barangay Busbus, Jolo, Sulu, nitong Sabado.

“Hindi mo ako mahuhuli na... Kakainin ko itong 9 mm ko,” sinabi ng matapang na commander-in-chief.

Muling binilinan din ng Pangulo ang mga tropa ng pamahalaan na itira ang huling bala para sa kanilang sarili sa halip na magpabihag sa mga terorista.

“Huwag kang pumayag na kunin sa’yo buhay ‘yang baril mo. At kung ma-corner ka, wala ka ng bala, huwag kang magpahuli,” aniya.

“Ang sundalo ko, matapang at handang mamatay. Kaya ‘pag wala ka ng bala, ‘yung last magazine, kainin mo na lang,” idinugtong niya.

Sa mga kalaban ng estado, hinimok sila ng Pangulo na sumuko na sa mga awtoridad.

“I offer you only two choices: Return to the fold of the law or face the full force of our government,” aniya.

Sinabi ni Duterte na maaalala ng mga Pilipino ang mga sundalo na nagsakripi­syo para mapanatili­ng ligtas at mapayapa ang bansa.

Kayat muli niyang tiniyak ang suporta niya sa mga ito.

“Ang trabaho ng sundalo pusta buhay talaga ‘yan. But the country remembers you. I personally would like to -- I said to give my fullest attention and lahat ng kailangan ninyo, from the time you enter the service up to the time...”

“Every time that you need me and everything that you need to survive, ibibigay ko,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines