Balita

11 drug suspects timbog

- Mary Ann Santiago

Umabot sa 11 drug suspects ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa puspusang kampanya laban sa ilegal na droga sa lungsod.

Sa ulat ng MPD, naaresto sa anti-criminalit­y operation sina Randy Tirao, 37; Jerry Kocho, 39; Ryan Christian Meer, 21; at John Jose Moroña, 29, sa Dakota Street, sa Malate, dakong 12:15 ng madaling araw kamakalawa. Sila ay nagsusugal ng cara y cruz at nasamsaman ng apat na pakete ng umano’y shabu.

Nagsusugal at nakuhanan din ng apat na pakete ng umano’y shabu sina Cristy Saldaña, 54; Epifania Depaz, 61; Rosalina Bucoy, 41; at Jonathan Peñaflor, 32, nang arestuhin sa F. Muñoz St., kanto ng Zobel Roxas St., sa Malate, dakong 1:40 ng madaling araw.

Pagsapit ng 6:30 ng umaga, inaresto si Angelo Reyes, 37, miyembro ng “Bahala Na” gang, sa bahay nito sa 3125-C San Andres St., sa Malate. Nakuhanan din si Reyes ng isang pakete ng hinihinala­ng shabu.

Dinakma naman ng mga tauhan ng Sampaloc Police Station 4 (PS-4) si Roel Llagas, 40, taga Sampaloc, sa G. Tuazon St., kanto ng Antipolo St., bandang 2:25 ng hapon kamakalawa.

Namataang nagsisigar­ilyo ang suspek kaya sinita at inaresto nang makumpiska­han ng isang pakete ng hinihinala­ng shabu.

Nalambat naman sa buy-bust operation si Marvin Usi, 25, taga Pasig City, sa tapat ng isang fast food chain sa P. Sanchez St., sa Sta. Mesa, bandang 4:00 ng hapon kamakalawa. Nakuha kay Usi ang tatlong pakete ng hinihinala­ng marijuana at P1,000 buy-bust money.

Kasalukuya­ng nakakulong ang mga suspek at sasampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines