Balita

Bolick at Quinto, sosyo sa NCAA POW

- Marivic Awitan

ISANG kakaiba at espesyal na linggo para sa nangingiba­w na individual performanc­es ang nagdaan para sa NCAA Season 94.

Dalawang manlalaro buhat sa rival schools ang nangibabaw sa lahat.

Sina San Beda guard Robert Bolick at Letran forward Bong Quinto ay nagpamalas ng mga performanc­es na tiyak na tatatak ng matagal bago malimot sa hinaharap.

Bunga nito ay nagkaisa ang mga kumukober ng oldest collegiate tournament ng bansa na ibigay ang Chooks-to-Go NCAA Press Corps Player of the Week award sa dalawa.

Itinala ni Bolick ang best scoring performanc­e sa nakalipas na 44 na taon matapos nyang umiskor ng 50 puntos kontra Arellano sa kanilang 98-79 na panalo noong Biyernes.

Ang 6’1 guard mula Leyte ay nagtala ng 18 ng kanyang 25 shots mula sa field at lahat ng siyam nyang free throws upang maiposte ang second highest scoring output sa league history, kasunod ni Lim Eng Beng na umiskor ng 55 noon para sa La Salle noong kabilang pa ito sa NCAA.

“You can’t really compare Robert to anyone ‘cause iba-iba sila ng laro but again, nag-iisa lang ang Robert Bolick,” ani Red Lions coach Boyet Fernandez.

“August 24, I declare it as Robert Bolick day,” dagdag nito.

Kung si Bolick ay nagpasikla­b sa scoring, halos nagparamda­m naman si Quinto sa lahat ng aspeto ng laro.

Nagposte ito ng dalawang sunod na triple-doubles sa loob ng apat na araw sa naging panalo ng Knights kontra Mapua at Emilio Aguinaldo College sa pagtatapos ng first round.

Nagtala ang dating Juniors MVP ng averages na 12 puntos, 10 rebounds at 10.5 assists sa nasabing stretch - para humanay kina PBA stars Calvin Abueva at Scottie Thompson na nakapagyal­a ng back-to-back triple-doubles.

“Bong Quinto is truly our leader. He is setting an example kaya nagiging maganda takbo namin,” ani Letran head coach Jeff Napa.

“If Bong plays well, everybody plays well. Ang maganda ay inaccept na niya yung pagiging leader ng team.”

Tinalo nina Bolick at Quinto para sa lingguhang citation sina CJ Perez ng Lyceum at St. Benilde cager Justin Gutang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines