Balita

Caluag, aalis na sa PH Team?

-

Wala pang pormal na desisyon si Daniel Caluag kung mananatili siya sa national team o tuluyan nang mag-focus sa kanyang trabaho bilang nurse sa Amerika.

Nabigo ang 31-anyos na maidepensa ang titulo sa men’s BMX event ng cycling nitong Sabado sa 18th Asian Games.

Nakuntento si Caluag sa bronze medal na ikinasiya na rin ng mga opisyal ng Philippine Cycling Federation.

“Danny [Caluag] didn’t race in any UCI event ahead of the Asian Games but still, he managed to deliver,” pahayag ni Philcyclin­g president Bambol Tolentino.

“He has beaten the Japanese gold medalist before but in this race, Danny gave him a scare—to think that the Japanese is UCI ranked while Danny isn’t,” aniya.

Matapos ipagbunyi ng bansa bilang tanging gold medalist sa Asiad may apat na taon na ang nakalilipa­s, tumapos si Caluag sa podium sa likod ng Japanese world champion at Indonesian star.

“I didn’t get the result I aimed for but I am happy to contribute a medal for the Philippine­s,” sambit ni Caluag.

Sa kabila ng pagtatangk­a niyang madomina ang ratsadahan, naungusan siya nina

Yoshitako Nagasako, dating Asian champion, at Indonesian Gusti Bagus Saputra, last year’s SEA Games winner.

Naisumite ni Nagasako ang tyempong 33.699 segundo, habang naitala ni Saputra ang 34.314.

Pangatlo si Caluag sa oras na 35.842.

Nabigo naman ang nakababata­ng kapatid ni Caluag na si Christophe­r John, matapos masibak sa eliminatio­n rounbd, habang pumasok sa finals si Sienna Elaine Fines sa women’s class, ngunit tumapos na panglima sa likod nina China’s Zhang Yaru, Thailand’s Chutikan Kitwanitsa­thian at Indonesia’s Wiji Lestar.

 ?? PSC PHOTO ?? HATAW: Nakipagdik­dikan sa unang bugso ng karera si Daniel Caluag sa BMX event, habang matikas na nakihamok si Kaila Napolislab­an kay Apriyani Savitri sa jijutsi, gayundin ang Pinay runners sa pagsisimul­a ng athletics event sa 19th Asian Games sa GBK Center sa Jakarta.
PSC PHOTO HATAW: Nakipagdik­dikan sa unang bugso ng karera si Daniel Caluag sa BMX event, habang matikas na nakihamok si Kaila Napolislab­an kay Apriyani Savitri sa jijutsi, gayundin ang Pinay runners sa pagsisimul­a ng athletics event sa 19th Asian Games sa GBK Center sa Jakarta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines