Balita

Pinoys sa MidEast at Europe, gagabayan ng TFC

-

MAPAPAYUHA­N ang mga overseas Filipinos ng mga eksperto tungkol sa iba’t ibang isyung kinakahara­p nila, sa KABAYANi Talks, streaming via TFC online (www.TFC.tv), na may simulcast streaming sa ABS-CBN Middle East Facebook page, at TFC Europe Facebook page.

Kaakibat ng pakikipags­apalaran ng mga Pinoy sa Middle East at Europe ang iba’t ibang isyu na kanilang kinakahara­p, tulad ng pamumuhay sa lugar na may ibang kultura, tamang pangangasi­wa sa kinikitang pera, job security, at paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ilan lang ito sa mga usaping kinakahara­p ng mga Pinoy abroad, at higit na malaking problema ang kakulangan sa kaalaman at impormasyo­n kung ano ang dapat gawin at sino ang dapat lapitan kapag nahaharap sa ganitong mga sitwasyon.

Ito ang tutugunan ng ABS-CBN Global sa paglulunsa­d ng KABAYANi Talks, na mapapanood sa iba’t ibang platforms ng TFC.

“We realize the ongoing and new challenges that our overseas Filipinos are struggling with amidst the current socio-political situation in the region. KABAYANi Talks is one of the interactiv­e platforms we will launch to address these needs to become more responsive to the people we serve. It will be available across social media platforms where they are already part of,” pahayag ni Joseph

Arnie Garcia, ABS-CBN Global Managing Director for Europe, Middle East and Africa (EMEA).

Ang KABAYANi Talks ay isang public service program na gagabay sa mga Pinoy sa Middle East at Europe para makakuha ng mga tamang impormasyo­n na makatutulo­ng sa kanilang mapalago ang kanilang career at makapagpla­no para sa hinaharap habang nasa ibang bansa.

Hosted by Jasmin Romero, tinalakay sa unang episode ng KABAYANi Talks nitong Sabado ang tungkol sa paghahanap ng oportunida­d sa ibang mga bansa, at nag-streaming sa TFC online (www. TFC.tv), na may simulcast streaming sa ABSCBN Middle East Facebook page at TFC Europe Facebook page.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines