Balita

Ikasampung labas

- R.V. VILLANUEVA

MADALI namang natagpuan ng mag-asawa ang address ng caretaker. Nang makaharap nila si Mang Sinto, natiyak kaagad ni Nena na ito nga ang Sintong nakausap niya sa phone kahit hindi pa man lang ito nagsasalit­a. Tumutugon kasi ang Sintong ito sa deskripsyo­n na ibinigay ni Benjie.

“Sino po ba sila at ano ang kelangan nila?” tanong ni Mang Sinto.

Lalong nakatiyak si Nena na ito ang nakausap niya sa phone. Itongito ang boses sa telepono. Pero iba yata ang paraan ng pagsasalit­a.

Sinabi ni Fermin ang tungkol sa ibinibenta­ng lote at bahay. Idinagdag naman ni Nena: “Ako ho ‘yong tumawag sa inyo, Mang Sinto.”

Kunot-noo si Mang Sinto. “Tunawag? Kelan?”

“Oho. Nasabi ko na ho senyo ‘yong dahilan ng pagtawah ko pero nagmamadal­i ho yata kayo.” Hindi na niya sinabi: Galit pa nga kayo.

“Pero wala ho akong natatangga­p na tawag, Misis, tungkol sa sinasabi n’yong bentahan ng ari-ariang ‘yon.”

Siya naman, si Nena, ang nangunot-noo. Ibig niyang igiit: Kilala ko nga ang boses ninyo, e.

Nagsasalit­a na naman si Mang Sitio. “E, pa’no nga pala n’yo nalaman ‘tong amin?”

Si Fermin ang sumagot: “Suki ko ho si Benjie. ‘Yong may puwesto riyan sa palengke ng Malolos.”

Tumango si Mang Sinto, kasabay ng pagliliwan­ag ng mukha. “Medyo kilala ko nga si Mang Benjie.”

Naiisip ni Nena. Bakit ikinakaila ng Mang Sintong ito na talagang nagkausap sila pero hindi naman ikinailang killa nito si Benjie na suki ng kanyang asawa.

“E, Mang Sinto .... ” si Nena. “Talaga hong tumawag ako dito.” “May sumagot nama?” “Oho. Kaboses n’yo ho...” “Baka hindi ako. Baka si Nanay ko...”

Sinadya man o hindi, aywan kung bakit bigla na lang sumipot sa pag-uusap nila ang isang matandang babae. Kahit hindi pa nagsasalit­a ang matandang babae, halos ay alam na ni Nena na ito nga ang nanay ni Mang Sinto na Belen ang pangalan.

“Wala akong tinatangga­p na tawag ng kahit sino.” sabi kaagad ng matandang babae. Narinig kaya ang sinabi ni Mang Sinto gayong para naman itong mula sa malayo?

Ang tiyak ni Nena, hindi nga ito ang nakausap niya sa phone. Boses matandang babae talaga ito. Pero bakit ba mag-uusisa pa siya tungkol sa kung sino ang nakausap niya. Mahalaga ba ‘yon?

“Tungkol na lang ho kaya sa lupa ang pag-usapan natin, Mang Sinto.”

Ang nagsalita ay si Fermin.

“E, siya... sige,”sabi ni Mang Sinto.

Samantala, dumungaw sa bintana si Aling Belen. Kung nakikinig naman sa pag-uusap nila parang hindi.

Kumpirmado ang hindi yata kapani-paniwalang presyo. Pagkatapos ng kaunti pang detalye, s bai ni Mang Sinto: “Walang magiging problema sa transfer of title. Hawak ko ang power of attorney ng may-ari. Nasa akn ang karapatan para maisangla o maibenta ang naturang property.”

“Kelan ho kaya natin puwedeng bisitahin ang property?” tanong ni Fermin.

“Sinto...” noon nagsalita si Aling Belen na nakikinig pala. “May hindi ka pa sinasabi sa mga kausap mo. Bakit hindi mo sinabi sa kanila na isinumpa ang ari-ariang ‘yon?”

Nang hindi kumibo si Mang Sinto, si Fermin ang hinarap ng matandang babae. Medyo lumapit pa ito mula sa tabi ng bintana sa kinauupuan ni Fermin. “Gusto n’yong malaman ang lihim ng ari-ariang ‘yon?”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines