Balita

13 sugatan sa karambola

- Jun Fabon

Umabot sa 13 katao ang nasugatan sa pagkakaram­bola ng tatlong sasakyan sa Commonweal­th Avenue sa Quezon City, kahapon ng madaling araw, batay sa ulat ng Traffic Sector 5 ng Quezon City District Traffic Enforcemen­t Unit (QCDTEU).

Base sa report ni Supt. Roldante Sarmiento, ganap na 12:40 ng umaga nang magkasalpu­kan ang tatlong sasakyan sa tapat ng ginagawang gasolinaha­n sa kanto ng Malakas Street sa Commomweal­th, Barangay Old Balara.

Lumitaw sa imbestigas­yon ni PO3 Leonardo T. Policarpio, ng Traffic Sector 5, na matulin umanong tinatahak ng Mitsubishi Adventure (UVA711), na minamaneho ni Rolando Siguro, ng Montalban, Rizal, ang northbound lane ng Commonweal­th nang matumbok nito ang kanang bahagi ng Nissan Sentra (SEV- 172) na minamaneho ni Chito Fortu, ng Diliman.

Sa lakas ng pagkabundo­l, umikot ang kotse sa gitna ng kalsada, na sinalpok ng paparating noon na Yutong Bus, na minamaneho ni Marjon Caubat, ng Pandi, Bulacan.

Batay sa imbestigas­yon ni PO3 Policarpio, tumama ang kotse sa bakal na barrier, at sa kabuuan ay 13 katao ang nasugatan, kabilang ang tatlong driver.

Kabilang sa mga nasugatan at isinugod sa East Avenue Medical Center sina Malisa Perez, Gibete Veric, Ralph Joseph at Raymund Villanueva, pawang tagaMurphy, Cubao; Mariel Castro, ng Montalban, Rizal; Rommel Chicano, ng Rodriguez, Rizal; Eimee Labil at Ricard Estimo, ng San Mateo, Rizal; at Dennis Cordero, ng Quezon City.

Kinasuhan na ng Traffiic Sector 5 ng reckless imprudence resulting to injuries at damage to properties sina Siguro, Fortu, at Caubat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines