Balita

5 MAG-UUTOL PATAY SA SUNOG

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Limang batang magkakapat­id ang nasawi, habang sugatan ang isa pa, nang ma-trap at ma-suffocate sa nasusunog nilang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga, na sinasabing nagsimula sa lighter na pinaglarua­n ng isa sa mga biktima.

Kinilala ni Chief Insp. Redentor Alumno, hepe ng Arson Division ng Manila Fire Department, ang mga nasawi na sina John Michael Twister Geminiano, 12; Baby Michael Geminiano, 7; Marcelo Geminiano, 5; Daniel Michael Geminiano, 3; at Mikaela Geminiano, isa at kalahating taong gulang, na pawang namatay sa suffocatio­n at sa natamong 3rd degree burns sa mukha at katawan.

Nakaligtas naman ngunit nasugatan ang siyam na taong gulang nilang kapatid na si Mike, na nagawang tumalon sa bintana ng bahay upang makaligtas.

Sinubukan pa umano ni Mike na yayain ang mga kapatid na tumalon din sa bintana, ngunit hindi raw sumunod sa kanya ang mga ito.

Ayon kay Chief Insp. Alumno, dakong 9:17 ng umaga kahapon nang sumiklab ang sunog sa bahay ng magkakapat­id, na nasa ikatlong palapag ng isang threestore­y apartment building sa panulukan ng Laperal at Herbosa Streets sa Tondo.

Mismong ang nakaligtas na si Mike ang nagsabi sa mga bombero na nagsimula ang apoy sa paglalaro ng lighter ng isa sa kanyang mga kapatid.

Sinasabing nitong Linggo ay muntik na rin umanong nasunog ang bahay ng pamilya sa hindi pa mabatid na dahilan, bagamat kinukumpir­ma pa ito ng mga awtoridad.

Ayon naman kay Manila Fire Marshall, Senior Supt. Jonas Silvano, batay sa kanilang natanggap na ulat ay naka-padlock ang bahay ng magkakapat­id kaya hindi nagawa ng mga ito na lumabas ng bahay, at sa halip ay nakulong sa nasusunog nilang bahay.

Nabatid na maaga umanong umalis ang ina ng mga bata dahil nagtitinda ito, habang namamasada naman ng pedicab ang ama ng mga paslit, kaya ikinandalo ng magasawa ang mga anak sa loob ng kanilang bahay.

Mabilis na nasunog ang bahay ng magkakapat­id dahil gawa lang ito sa light materials, habang hindi pa tukoy ng mga awtoridad kung gaano karaming bahay ang nadamay at natupok sa sunog, at kung ilang pamilya ang naapektuha­n.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago naideklara­ng under control ganap na 12:00 ng tanghali, at naideklara­ng fireout bandang 1:33 ng hapon.

Ayon kay Senior Supt. Silvano, sa kanilang taya ay aabot sa P120,000 ang halaga ng mga ariariang naabo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines