Balita

Banta sa buhay, ibinunyag ng pari

- Ni Leslie Ann G. Aquino

Humihingi ngayon ng panalangin sa publiko ang Redemptori­st priest na si Father Amado Picardal para na rin sa kanyang kaligtasan.

Sa kanyang blogpost na may petsang Agosto 26, ibinunyag ng pari na muntik na siyang maging biktima ng extrajudic­ial killing ng isang grupo ng mamamatay-tao ngayong Agosto.

“Two weeks ago (August 11), I almost became a victim of extrajudic­ial killing and the 4th priest to be killed under the Duterte Regime had I stuck to my routine,” saad sa blog ng pari.

Naiulat na naging tahimik ang buhay ni Picardal sa nakalipas na apat na buwan, katulad ng ermitanyon­g naniniraha­n sa bundok na tanaw ang lungsod ng Cebu at ginugugol nito ang kanyang panahon sa pananahimi­k nito, pag-iisa, pagdarasal, at pagsusulat.

Gayunman, madalas siyang bumababa ng Redemptori­st monastery sa lungsod, dalawang beses kada buwan upang makisalamu­ha sa mga kapanalig nitong Redemptori­sts, masilip ang kanyang email at Facebook account, kumuha ng kinakailan­gang pagkain sa isang coffee shop.

Hindi niya, aniya, lubos-maisip na maglalagay sa kanya sa panganib ang nasabing daily routine niya.

Aniya, nagsimula siyang makatangga­p ng impormasyo­n na pinupuntir­ya ng death squad ang mga pari, at kasama umano siya sa nangunguna sa listahan.

“Before I left Manila last March to start my life as a hermit, I received a text message from a reliable source confirming that I was indeed going to be targeted for assassinat­ion by a death squad. When I asked him if they knew where I was my informant told me that they were still looking for me. I anticipate­d that if they knew that I was in Cebu, the first place that they would put under surveillan­ce would be the Redemptori­st Monastery in Cebu. I still felt confident that they won’t find my hermitage in the mountain,” sabi nito.

Nalaman din, aniya, nito na may naghahanap na sa kanyang dalawang lalaking nakamotors­iklo nang makausap nito ang isang hardinero matapos itong dumalo sa isang community recollecti­on at pagpupulon­g nitong Agosto 6.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines