Balita

₱80,000 sa tsuper, kulang

- Leonel M. Abasola

Naniniwala si Senador Grace Poe na hindi sapat ang P80,000 umento na ibibigay ng pamahalaan sa mga drayber, alinsunod na rin sa Jeepney Modernizat­ion Program.

Sinabi ni Poe na aalamin niya sa Department of Transporta­tion (DOTr) kung paano ang gagawin nitong implementa­syon para maipatupad ang nasabing programa.

“Kapag nag-budget hearing tayo tatanungin natin ang DOTr, alam n’yo ‘yung binibigay n’yong umento na P80,000 per driver parang kulang naman yata ‘yun. Ite-trade in ang sasakyan pero P80,000 lang ang kapalit,” sinabi ni Poe sa kanyang pagdalo sa Transport Summit sa Maynila.

Aniya, umaabot sa P1.2 milyon hanggang P1.8 milyon ang presyo ng mga modernong jeepney, kaya kulang talaga ang P80,000 bilang downpaymen­t.

Sinabi pa niya na kapag nagkansela ng mga ruta, wala nang mapagkukun­ang panghulog ang mga driver.

“Unang-una hindi ako against modernizat­ion, pero dapat ayusin nila ang proseso para hindi naman mahirapan ‘yung mga driver. Halos 600,000 drivers ang apektado dito,” ani Poe.

Nagbabala pa si Poe na sakaling hindi maipaliwan­ag nang maayos ang programa, tiyak na magkakaroo­n ng problema ang budget ng DOTr sa kanilang pagdinig.

Aniya, sisilipin din ng Senado kung ano na ang nangyari sa Pantawid Pasada Program, dahil masyado na itong naaantala.

“Kailangan nating malaman paano ba ninyo ipinamamah­agi ‘yung fuel vouchers na parang walang nakakatang­gap,” ani Poe.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines