Balita

Mactan-Cebu airport ipapangala­n kay Lapu-Lapu

- Genalyn D. Kabiling

Papalitan na ang pangalan ng Mactan-Cebu Internatio­nal Airport at gagawing Lapu-Lapu Internatio­nal Airport bilang parangal sa unang dakilang bayaning Pilipino.

Sumang-ayon si Pangulong Rodrido Duterte na ipangalan ang paliparan sa Cebu kay Lapu-Lapu bilang pagkilala sa unang Pilipino na ginapi ang banyagang mananakop sa bansa.

Si Lapu-Lapu, ang pinuno ng isla ng Mactan, ay nilabanan at napatay si Ferdinand Magellan na nanguna sa puwersa ng mga mananakop na Kastila sa bantog na labanan sa Mactan noong 1521.

“Yes, alam mo Magellan was the first invader to set foot here in the Philippine­s. It was Lapu-Lapu who fought them. Why is he more honored in this country?” sinabi ni Duterte sa panayam ng mga mamamahaya­g sa pagdiriwan­g ng National Heroes Day sa Taguig City, nang tanungin kung sinusuport­ahan niya ang panukalang palitan ang pangalan ng Cebu airport.

Nalulungko­t si Duterte na hindi nabigyan si Lapu-Lapu ng tamang pagkilala sa kabila ng tagumpay niya sa labanan sa Mactan.

“May Lapu-Lapu hotel, tapos isda Lapu-Lapu. That’s crazy. Itong si Lapu-Lapu fought for our country. He died somehow they say, after that battle. He was able to kill the supremo of the expedition­ary force,” ani Duterte.

Sinabi ng Pangulo, sa kanyang naunang talumpati sa Araw ng mga Bayani, na nakalulung­kot na nakalimuta­n ng kasaysayan si Lapu-Lapu sa kabila ng mga nagawa nito.

“History forgot him. He was the first hero and designated a certain specie of fish and called it Lapu-Lapu. That is why it pains me deeply to see lapu-lapu being eaten every day, escabeche, fried, and all sorts of recipe,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines