Balita

Mga bayaning walang mukha at rebulto pinarangal­an ng Pangulo

- Argyll Cyrus B. Geducos at Merlina Hernando-Malipot

Pinarangal­an ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga karaniwang Pilipino na nakagawa ng mga pagbabago sa bansa, at sa mga buhay na kanilang napukaw.

Ito ang ipinahayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa paggunita sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kahapon ng umaga.

“It is my sincere hope that as we come together to honor our heroes and celebrate their extraordin­ary feats and love of country, may we further inspired to embody the ideals and values that they stood up for,” aniya.

“Let us all become worthy heirs to their legacy so that we may leave behind to the succeeding generation­s of Filipinos a nation that they will also proudly give up their lives for,” idinugtong niya.

Ngunit sa pagkakatao­ng ito, sinabi ni Duterte na mahalaga na parangalan ang mga Pilipino na walang rebulto, o imahe, o walang mukhang nakaukit o nakalarawa­n sa ating mga salapi at sa mga libro ng kasaysayan. Sinabi niya na sila ang mga bayani na dapat tingalain at tularan ng kabataang Pilipino.

“Instead, we honor our unnamed heroes who, in their own little ways, have made huge difference in the lives of those they have touched,” aniya.

“Today, let us honor ordinary Filipinos who, despite the challenges that come their way, continue to work for the well-being [of] their families, the betterment of their communitie­s, and the advancemen­t of our nation,” idinugtong niya.

“These are our [everyday] heroes that we need our youth to emulate and look up to,” pagpapatul­oy niya.

Tulad noong nakaraang taon, pinarangal­an din ni Duterte ang matatapang na sundalong Pilipino, lalo na ang mga nagbuwis ng buhay para masupil ang mga banta sa Mindanao at volunteers para pagbangon ng Marawi City sa Lanao del Sur.

Kinilala rin ng Pangulo ang dedikasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagsusulon­g sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga. At ang mga guro at overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang mga sakripisyo para sa kanilang mga pamilya at komunidad.

INSPIRASYO­N

Nagbigay-pugay din si Vice President Leni Robredo sa mga sinauna at makabagong bayaning Pilipino, at hinimok ang sambayanan na alalahanin ang kanilang mga sakripisyo lalo na sa panahon na hinahamon ang demokrasya ng bansa.

“Nakikiisa tayo sa paggunita ngayong araw sa katapangan at mga sakripisyo ng ating mga bayani,” saad sa pahayag ni Robredo na inilabas ng Office of the Vice President sa pagdiriwan­g ng National Heroes’ Day.

“Ang mga aral na ating mapupulot sa kanilang mga buhay ay nananatili­ng mahalaga, lalo na sa mga panahong hinahamon ang ating demokrasya,” ani Robredo.

Pinapuriha­n din si Robredo ang mga bayani ng makabagong panahon – partikular ang overseas Foreign workers (OFWs) at mga sundalo.

“Lubos ang ating pasasalama­t sa ating mga overseas Filipino workers para sa kanilang mga sakripisyo—tinitiis na malayo sa bayang kinagisnan upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga pamilya at ang ating bansa,” ani Robredo.

“Saludo rin tayo sa ating mga sundalo na inilalagay ang kanilang mga sarili sa gitna ng panganib para tiyaking ligtas tayong makakapamu­hay sa arawaraw,” aniya pa.

Ipinaalala ni Robredo na ang mga bayani ng bansa – noon at ngayon – ay dapat na magsilbing inspirasyo­n sa lahat ng Pilipino sa pagharap sa mga hamon.

“Ang kanilang halimbawa ay pagpapaala­la na tayo mismo ang susi sa pagbabagon­g ating hinahangad,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines