Balita

OFWs sa Israel, Jordan kukumustah­in ni Duterte

- Ni GENALYN D. KABILING

Ang kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa­ng Pilipino ang pangunahin­g misyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe sa Israel at Jordan sa susunod na buwan.

Nilalayon ng Pangulo na bumisita sa Filipino community sa ibang bansa at kinutya ang mga alegasyon ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na bibiyahe siya sa ibang bansa para magpagamot.

“Eh kung operahan nila ang utak ko doon eh di mas maganda. Wala mang problema,” patuyang sabi ni Duterte sa panayam ng media sa Taguig City.

“I can have my stomach open, my chest open and my brain,” pabirong idinugtong niya.

Sa seryosong usapan, ipinaliwan­ag ng Pangulo na nais niyang kumustahin ang kalagayan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel at Jordan sa gitna ng umiinit na tensiyon sa Lebanese border.

“I’m there because of the 28,000 Filipinos. And it’s getting hotter there. And also on the Lebanese front, there is something brewing there and in Jordan, we have 48,000 Filipinos,” aniya.

“That’s why I am bringing (Environmen­t Secretary Roy) Cimatu to prepare for that eventualit­y and just in case war breaks out there,” idinugtong niya.

Nakatakda ang opisyal na pagbisita ni Duterte sa Israel sa Setyembre 2 hanggang 5 sa imbitasyon ni Prime Minister Benjamin Netanyahu. Ito ang unang pagbisita ng isang lider ng Pilipinas sa Israel simula nang maitatag ang diplomatic relations ng dalawang nasyon noong 1957.

Mula Israel, inaasahang bibiyahe ang Pangulo sa katabing Jordan para palakasin din ang bilateral relations.

Inilahad ni Duterte na isasama niya sa kanyang biyahe ang ilang magreretir­ong opisyal ng militar at pulisya.

“I would be going there with some of the retiring military and police officers. Marami kami. That is my gift to them for serving the country well,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines