Balita

Pope Francis pinagbibit­iw

-

ABOARD THE PAPAL PLANE (Reuters) – Sinabi ni Pope Francis nitong Linggo na hindi niya sasagutin ang isang dating mataas na opisyal ng Vatican na inakusahan siya na matagal nang alam ang mga alegasyon ng sex abuse sa isang prominente­ng U.S. cardinal, nanawagan ng pagbitiw ng papa.

Sinabi ni Pope Francis, nagsalita sa mga mamamahaya­g sakay ng eroplanong pabalik mula sa biyahe niya sa Dublin, na ang mga pahayag na naglalaman ng mga akusasyon “speaks for itself”.

Sa detalyadon­g 11-pahinang pasabog na pahayag na ibinigay sa konserbati­bong Roman Catholic media outlets habang nagbibisit­a ang papa sa Ireland, inakusahan ni Archbishop Carlo Maria Vigano ang mahabang listahan ng mga kasalukuya­n at dating opisyal ng Vatican at ng U.S. Church ng pagtatakip sa kaso ni Cardinal Theodore McCarrick, na nagbitiw nitong nakaraang buwan dahil sa kahihiyan.

“Pope Francis must be the first to set a good example for cardinals and bishops who covered up McCarrick’s abuses and resign along with all of them,” isinulat ni Vigano, na dati nang binatikos ang papa.

Tinanong ngreporter­s si Pope Francis kaugnay sa pahayag, na inilathala ng National Catholic Register at ng ilan pang media outlets sa United States at Italy.

“I will say sincerely that I must say this, to you (the reporter) and all of you who are interested: Read the document carefully and judge it for yourselves,” sabi ni Pope Francis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines