Balita

3 bayan sa Bulacan, lubog pa rin sa baha

- Freddie C. Velez

CITY OF MALOLOS, Bulacan - Mahigit isang buwan nang lubog sa baha ang tatlong bayan sa Bulacan, at aabot sa 20,000 pamilya ang apektado.

Sa bayan pa lang ng Calumpit, 16 sa 29 na barangay ang nakararana­s pa rin ng pagbaha, na may lalim na isa hanggang tatlong talampakan.

Sa Hagonoy, nasa 1,811 pamilya, o katumbas ng 9,505 katao mula sa Barangays San Juan, Palapat at Sto Niño, ang binabaha pa rin; habang aabot sa 6,426 na pamilya naman mula sa Barangays Sto. Rosario, San Isidro 11, Pinalagdan at Kapitangan sa Paombong ang binaha rin.

Kasalukuya­ng nakatuloy ang mga binaha sa 10 evacuation center: 91 pamilya mula sa Meysulao, San Miguel (76 na pamilya), Calizon (78 pamilya), Gugo (8 pamilya), Gatbuca (89 pamilya), Iba O' Este (220 pamilya), Balite (2), Sapang Bayan (21), Sta Lucia (9), at Caniogan (9).

Nakasilong naman sa dalawang evacuation center sa Hagonoy ang dalawang pamilya mula sa Bgy. Palapat at anim naman sa San Pedro.

"Patuloy ang pagtaas ng water level sa Angat dam, at kapag kinakailan­gan na nilang magbawas ng maraming tubig, o kahit na paunti-unti lamang ay tiyak na madadagdag­an ang kalbaryo ng baha na aming dinaranas mahigit ng isang buwan ngayon," pangamba naman ng grupo ng residente sa lugar.

Tiniyak naman ni Bulacan governor Wilhelmino Sy-Alvarado, binabantay­an nila ang tatlong dam sa lalawigan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines