Balita

Bagong paliparan sa Bohol, bubuksan sa Oktubre

-

BUBUKSAN na sa Oktubre ang bagong paliparan sa Bohol. Ibinahagi ng Department of Transporta­tion (DoTr) na 92.14 porsiyento­ng buo na ang New Bohol Airport nitong Hulyo 31, higit na maaga sa 2021 na target.

Sinimulan ang pagtatayo ng paliparan noong 2015, ngunit nagkaroon ng mahigit 48% slippage dahil sa mga pagkaantal­a.

“We needed a catch-up plan for the Panglao airport. The 2021 target is just too long. How can you explain to the people that it took you six years to build an airport? Kinailanga­n po nating habulin at iyon po ang ginawa natin,” pahayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade nitong Linggo.

Kasama ang mga opisyal ng paliparan, ininspeksi­yon kamakailan ni Tugade ang isinasagaw­ang konstruksi­yon mula sa runway hanggang terminal, perimeter fence at ang sewerage treatment system upang masiguro ang pagtatapos ng proyekto.

Simula nang maupo ang bagong administra­syon noong Hulyo 2016, ipinag-utos na ni Tugade ang 24 na oras na konstruksi­yon para mabilis na matapos ang paliparan. Kung saan nakitaan ng pagbilis mula sa 6.48% na naitala mula noong Hunyo 22, 2016 hanggang Hunyo 30, 2016.

Lumundag umano sa halos 85.66% ang bilis ng pagtatayo sa loob ng dalawang taon.

Sa oras na magbukas, ang Panglao Airport ang magiging first eco-airport ng bansa sa paggamit nito ng natural na bentilasyo­n habang ikakabit ang mga solar panel sa bubungan ng passenger terminal na sasakop sa halos ‘one-third’ ng kailangang kuryente ng gusali.

“Everyone should be excited about Panglao airport. I am very excited. This is the kind of airport that we should be building, an airport that has regard for the environmen­t and the future generation­s,” paliwanag ni Tugade.

Inaasahan ang pagdagsa ng mas maraming turista sa Bohol dulot ng proyekto na pinapalaga­y na kayang tumanggap ng hanggang dalawang milyong pasahero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines