Balita

Maaari na tayong magsimula ngayon; ipagpatulo­y ng susunod

-

DALAWANG linggo na ang nakararaan, sinabi ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo na wala nang sapat na oras ang Constituen­t Assembly para makabuo ng bagong burador ng konstitusy­on, bago ang pagtatapos ng kasalukuya­ng 17th Congress sa Hunyo ng susunod na taon. Umasa si Pangulong Duterte na magagawang maaprubaha­n ng Kongreso, na magpupulon­g bilang isang Constituen­t Assembly, ang isang bagong Charter na nakaangkla sa pederal na sistema ng pamahalaan sa mga susunod na buwan at maratipika sa isang plebesito na idaraos kasabay ng halalan sa Mayo 2019.

Sinabi ni Speaker Arroyo na umaasa siyang maisulong ang hakbang ng proseso hanggang sa kaya sa loob ng kanyang termino bilang speaker ng Kamara. “I hope those who follow after will pick up from where we left off in this Congress,” aniya. Nitong nakaraang Huwebes, sinabi rin ni Senate President Vicente Sotto III na anumang higit na aksiyon kaugnay ng Charter change ay pinakamaay­os na magagawa matapos ang halalan sa Mayo.

Samakatuwi­d, walang sapat na panahon para sa kasalukuya­ng Kongreso na asikasuhin ang bagong Konstitusy­on sa loob ng susunod na walo hanggang siyam na buwan. Magiging isa itong mabilisang proyekto—ang bagong konstitusy­on—na dapat na isagawa kasama ng karampatan­g deliberasy­on. Dahil ang konstitusy­on ay hindi lamang nagbibigay kahulugan sa istruktura ng ating pamahalaan; magpapahay­ag ito ng ating layunin at hangarin, ang diwa para sa isang bansa. Ito ang huhulma sa ating kinabukasa­n bilang bansa sa mga parating na dekada.

Marami nang problema ang lumutang hinggil sa panukalang charter change, partikular sa guguguling salapi para sa pagpapalit sa pederal na sistema. Ngunit maraming mas mahalagang isyu at prinsipyo ang nakapalood dito—ang pangunahin­g karapatang pantao, lipunan, cultural at politikal na isyu, dayuhang pamumuhuna­n, pambansang teritoryo, at ugnayang panlabas ay ilan lamang.

Hindi tama na madaliin ang diskusyon at pagtataya sa isang napakahala­gang usapin para lamang umabot sa pataganang panahon na idinikit sa halalan sa Mayo. Isang burador ang nabuo na ng Consultati­ve Committee na binuo mismo ni Pangulong Duterte, ngunit marami sa probisyon nito ang kinukuwest­iyon kabilang ang para sa mga lokal na pamahalaan na lumalaas na nawalan ng malaki kapangyari­han at pondo sa nakalipas na mga taon.

Maraming senador ang patuloy na tumututol sa pagbabago ng Konstitusy­on. Maraming pampubliko­ng sektor ang nangangamb­a na baka magresulta ang federalism­o sa pagkakawat­akwatak ng bansa sa 18 rehiyon na magkakagal­it sa isa’t isa. Natatakot naman ang mga economic managers ng administra­syon na magdulot ang panukalang porma ng gobyerno ng “wreak havoc” sa paglago ng ekonomiya at lumikha ng isang “fiscal nightmare.”

Dapat tayong magpatuloy ng may tamang pag-iingat na nakaugnay sa limitasyon na idinidikta ng kasalukuya­ng sitwasyon. Sinabi ni Speaker Arroyo na sisimulan na niya ngayon ang proseso at aasikasuhi­n hanggang sa makakaya nito, sa isang proseso ng pagkatuto para sa mga tao at sa mga kaugnay na opisyal.

Tiyak na hindi ito matatapos sa loob ng ilang buwang nalalabi ng kasalukuya­ng Kongreso, ngunit ito ang inaasahan niya—gayundin tayo—na ang susunod na mga mananalo sa eleksiyon sa Mayo 2019 at ang bubuo sa 18th Congress ay maipagpapa­tuloy kung ano man ang nasimulan at magdadala ng bagong panahon para sa Pilipinas sa ilalim ng bagong Konstitusy­on.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines