Balita

Galunggong

- Bert de Guzman

PABORITO ko ang GG (galunggong) dahil ako ay more of a fish eater kaysa carnivorou­s o mahilig sa pagkain ng karne ng baboy o baka. Pero, nang mabalitaan kong ang mga galunggong na inaangkat ng PH mula sa China ay may formalin (gamit sa pag-eembalsamo ng patay), binawalan ko ang aking ex-GF na bumili nito.

Isipin natin: Ang karagatan ng Pilipinas ay mayaman at sagana sa isda subalit kabalintun­aan na tayo ay umaangkat ngayon ng mga isda (tulad ng GG) sa ibang bansa, gaya ng China. Ang mga galunggong daw ay sa dagat natin nahuhuli ngunit dinadala upang doon iproseso saka ibebenta sa atin. Kay saklap naman nito kung ito ay totoo. oOo

Puwede bang ituring na “payback time” ang nangyayari ngayon sa pitong Mahistrado ng Korte Suprema nang sampahan sila ng impeachmen­t complaint sa Kamara ng apat na kongresist­a na kabilang sa tinatawag na “Magnificen­t 7?”

Ang nahaharap sa reklamong impeachmen­t ay sina bagong SC Chief Justice Teresita Leonardo de Castro, Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francisco Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo. Maaaring mahirap maimpeach ang mga mahistrado, pero sa mga pagdinig, mahahayag sa publiko ang mga “itinatago” nilang sekreto. Tulad halimbawa ng SALN, pagbabayad ng buwis, at pagtanggap ng suhol mula sa pag-iisyu ng TRO.

Ang apat na nagharap ng impeachmen­t complaint ay sina Magdalo Rep. Gary Alejano, Albay Rep. Edcel Lagman, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, at Akbayan Rep. Tom Villarin. Ang apat sa mga mahistrado—sina De Castro, Peralta, Bersamin at Reyes—ay nag-ambisyong maging Chief Justice kapalit ng pinatalsik na si Ma. Lourdes Sereno.

Sa huli, nagkatotoo ang tsismis, este sinabi ng source mula sa Duterte administra­tion, na ang matinding “kaaway” ni Sereno ang posibleng mahirang na Punong Mahistrado kahit dalawang buwan na lamang at siya’y magreretir­o na.

Para sa mga political at judicial analysts, “kabayaran” kaya ito sa pangunguna ni De Castro sa pagpabor sa quo warranto petition ng Office of the Solicitor General upang patalsikin si Sereno sa kanyang puwesto? Si De Castro, kasama ang pitong iba pa (kabilang ang ngayon ay si Ombudsman Samuel Martirez), ay humarap sa pagdinig ng Kamara noon at doon ay binira si Sereno.

Pinag-i-inhibit sila sa isyu ng quo warranto petition dahil nga sila ay biased kay Sereno, pero hindi sila nag-inhibit kung kaya ang botohan ay naging 8-6 pabor sa pagpapatal­sik. oOo

Iba-iba pa: Wala raw shoot-tokill order laban sa Ninja cops o mga tarantadon­g tauhan ng PNP, ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde. Para sa mga senador, hindi nila prioridad ang Cha-Cha tungo sa pederalism­o na isinusulon­g ni Pres. Rodrigo Roa Duterte. Mismong si Senate Pres. Tito Sotto ang nagpahayag na wala ito sa kanilang agenda bagamat posibleng ito ‘y talakayin pagkatapos ng 2019 mid-term elections.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines