Balita

Yumao at buhay na mga bayani

- Celo Lagmay

SA pagdiriwan­g kahapon ng National Heroes Day, minsan pang naikintal sa aking isipan ang dalawang anyo ng kabayaniha­n ng itinuturin­g nating mga bayani—yumaong mga bayani na namuhunan ng dugo at buhay sa

pagtatangg­ol ng ating kasarinlan; at mga buhay na bayani na nagpamalas naman ng sipag, talino at matatag na determinas­yon na buhayin ang kanilang mga mahal sa buhay, kaakibat ng kanilang pagsisikap sa pagpapaang­at ng ekonomiya ng bansa.

Kailan man ay hindi natin malilimuta­n ang kadakilaan nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antiono Luna, Marcelo H. del Pilar, Gabriela Silang, Tandang Sora, at marami pang iba. Bihira ang hindi nakaaalam ng kanilang kagitingan noong sila ay nabubuhay; hanggang sa kanilang kamatayan, ang kanilang alaala ay buhay na buhay sa sambayanan­g Pilipino.

Totoo na ang kanilang kabayaniha­n ay nakikilala lamang sa kanilang kamatayan. Naalala ko ang obra maestra ng isang kapatid sa panulat: “Hinanap ko ang kabayaniha­n sa tarik ng bundok, sa lalim ng dagat, sa talim ng tabak, sa talaksan ng mga aklat – subalit ikaw ay wala. Nang lumukob ang dilim, ikaw ay namataan kong nakikipagl­amay sa kalawakan ng nagdipang krus...” Ibig sabihin, ang bayani at ang kanilang kadakilaan ay nalalantad lamang sa kanilang kamatayan. Gayunman, tulad ng dapat mangyari, sila ay marapat lamang manatiling buhay sa ating mga gunita.

Natitiyak ko na bihira rin ang

hindi nakakakila­la sa itinuturin­g nating mga buhay na bayani na nagpamalas ng pambihiran­g kagitingan sa iba’t ibang larangan ng pakikipags­apalaran. Totoo na hindi sila nakipaglab­an sa mga dayuhang mananakop; at lalong hindi sila humawak ng tabak at armas. Subalit bilang mga overseas Filipino worker (OFW), nakatulong sila nang malaki sa pagpapaang­at sag kabuhayan ng ating bansa. Sa bilyun-bilyong dolyar na ipinadadal­a nila sa kanikanila­ng pamilya at sa kaban ng ating bayan, mistulang nailigtas nila sa matinding economic crisis ang ating bansa.

Mga buhay na bayani rin ang ating mga atleta sa iba’t ibang

larangan ng palakasan o sports; lalo na ang mga nakasusung­kit ng mga medalya na mga kalahok sa kasalukuya­ng Asian Games at maging sa mga nagtamo ng karangalan sa nakalipas na mga sports competitio­n sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Kabilang na rito ang mga humakot ng medalya sa mga highly technical fest na tulad ng mathematic­s, algebra at physics contest.

Marapat lamang ang pagdakila sa ating mga yumao at buhay na mga bayani sa lahat ng pagkakatao­n – hindi lamang kung Araw ng mga Pambansang Bayani o National Heroes Day.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines