Balita

Kilalanin sana ni Castro na ang CJ ay gantimpala ng taumbayan

- Ric Valmonte

SA tatlong mahistrado ng Korte Suprema na nasa shortlist ng Judicial Bar Council (JBR), si Teresita Leonardo-de Castro ang hinirang ni Pangulong Duterte na maging Punong

Mahistrado kapalit ni Maria Lourdes Sereno. Ipinagbuny­i ng Malacañang ang kanyang pagkakahir­ang pagkatapos itong ihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, exofficio member ng JBC.

“Bravo. Best choice for Chief Justice. Higit na may karanasan siya kaysa sa ex-Chief Justice,” pagmamalak­i ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque. Sa kanyang mga nakalaban na sina Associate Justices Diosdado Peralta at Lucas Bersamin, si Castro ang most senior. Pero, mas senior si acting Chief Justice Antonio Carpio, kaya lang tinanggiha­n niya ang nominasyon sa pagka-Chief Justice sa isyu ng delicadeza. Ayaw niya raw makinabang sa pagpapatal­sik kay Sereno, bagamat tinutulan niya ito. Hindi, aniya, quo warranto kundi

impeachmen­t lang ang puwedeng magpaalis kay Sereno. Eh si Castro, kasama niya sina Bersamin, Peralta at lima pang mahistrado na bumoto para maalis si Sereno sa puwesto sa pamamagita­n ng quo warranto .

Kung may higit na dapat gumalang at sumunod sa idinidikta ng moralidad at delicadeza ay walang iba kundi si Castro. Isa siya sa mga kumandidat­o sa pagka-Chief Justice nang ma-impeach si Chief Justice Renato Corona. Tulad ni Sereno, kulang din ang isinumite niyang Statement of Assets and Liabilitie­s and Networth (SALN) sa JBC. Ang SALN na hindi naisumite ni Sereno ay hinggil sa kanyang pagtuturo sa University of the Philippine­s, samantalan­g si Castro ay ukol sa kanyang SALN nang manungkula­n siya sa iba’t

ibang sangay ng gobyerno. Kung ano ang hindi niya ginawa ay siyang nais niyang ginawa sana ni Sereno, kaya bumoto siyang patalsikin ito sa proseso ng quo warranto sa isyu ng hindi pagsusumit­e ng SALN.

Noong dininig ng House Committee on Justice ang impeachmen­t complaint ni Atty. Gadon para patunayan ang kanyang paratang laban kay Sereno, si Castro bilang mahistrado ng Korte Suprema ang nangunang magbigay ng ebidensiya pabor sa bintang ni Gadon. Kauna-unahan sa kasaysayan ng hudikatura na ang mahistrado ay humarap sa pagdinig ng Kongreso.

Si Castro ang pinaka-senior sa mga mahistrado­ng nagbigay ng katuparan sa hangarin ni Pangulong Digong na mapatalsik si Sereno sa pagka-Punong

Mahistrado. Manunungku­lan siya bilang kapalit ni Sereno sa loob ng 41 araw dahil ang kanyang mandatory retirement age na 70 ay sa darating na Oktubre 8.

Maigsi ang panahong tatamasain niya ang posisyon, pero ang retirement pay niya ay batay sa kanyang sahod bilang Chief Justice. Samantalan­g ang tinanggal na si Sereno ay walang natanggap na anumang benepisyo.

Dahil sa seniority, nakuha ni Castro ang posisyon. Sana sa pagtupad niya ng kanyang tungkulin ay isaalang-alang niya na karapatdap­at siya sa posisyon sa haba ng kanyang serbisyo sa taumbayan at ito ay kinikilala nila.

Ang Chief Justice ay gantimpala sa kanya ng mamamayan at hindi ng taong humirang sa kanya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines